• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa DILG, PNP: Habulin lahat ng KFR groups

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na habulin ang Kidnap for Ransom (KFR) groups sa bansa.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na inatasan siya ng Presidente na palakasin ang kampanya laban sa KFR groups at lansagin ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Kilala na rin aniya ng PNP Anti-Kidnapping Group ang mga grupo at miyembro ng mga ito, maging ang kanilang safehouses at kung saan nakatira ang mga ito.

Dahil dito kaya aasahan na aniya ang mas pinaigting na ­operasyon sa mga susunod na araw.

Sinabi naman ni NCRPO Chief Pol. Brigadier General Anthony Aberin na dahil sa mga naitalang insidente ng kidnapping nitong taon kaya pinalakas na ang police visibility sa mga lugar na posibleng target ng mga kidnapper.

Pinalakas na rin nila ang  presensiya sa social media sa pamamagitan nang pag-post ng mga tips kung paano makaiwas sa kidnapping.  (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka

    NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental.     Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]

  • Mabilis namang maka-amoy kaya walang natuloy: RABIYA, na-confuse na mas mabenta sa bading kesa sa tomboy

    INAMIN ni Rabiya Mateo na never pa siyang naligawan ng isang tomboy.   “Parang hindi ako maano sa ano, hindi ako mabenta,” pagbibiro niya.   “Wala talaga, kahit noong nag-aaral ako, bakit kaya,” at tumawa ang beauty queen/ actress.   Kuwento pa ni Rabiya, “pero maraming nanligaw sa akin na… ito yung nakakatawa, bakla! Na […]

  • Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

    Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.     Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]