• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa DTI, DA: Tiyakin na sapat na supply ng goods o kalakal sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang sapat na suplay ng goods o kalakal sa mga lugar na apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

 

Sa katunayan ayon sa Pangulo, nakatuon ang pansin ng DTI sa magiging pagtalima ng mga sellers pagdating sa price control sa mga lugar na inilagay sa ilalim ng state of calamity.

 

 

”To blunt any attempt at profiteering, the DTI is monitoring compliance with the price control on selected goods imposed in all areas under the State of Calamity, in accordance with the law,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

”The DTI is also directed to ensure the unhampered flow of goods in all the affected areas,” dagdag na wika nito.

 

 

Inatasan naman ng Pangulo ang DA na mag-deploy ng Kadiwa rolling stores sa mga apektadong lugar upang sa gayon ay maraming tao ang makaabot sa mga pangunahing bilihin at kalakal.

 

 

Sa kabilang dako, nagpalabas naman ang DTI ng price freeze sa mga pangunahing pangangailangan sa mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.

 

 

Sa ilalim ng Price Act, “isang 60-day automatic price freeze ang ipnatutupad kapag ipinatupad ang idineklarang state of calamity, saklaw nito ang canned fish, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, laundry soap, detergent, at asin.”

 

 

Ayon sa DTI ang mga lalabag sa price freeze ay mahaharap sa parusang pagkakakulong sa loob ng isang taon hanggang 10 taon o pagmumultahin ng mula P5,000 hanggang P1 million, o pareho depende sa diskresyon ng korte.

 

 

Hinikayat naman ng DTI ang mga consumers na i-report ang mga ‘retailers, distributors, at manufacturers’ na nagbebenta ng higit pa sa umiiral na presyo. (Daris Jose)

Other News
  • ERC, inatasan ni PBBM na i-reset ang NGCP rates matapos bumagsak ang Panay grid

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kaagad na i-reset ang rates ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kung saan isinisisi nito ang pagbagsak sa Panay sub-grid ang naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.     Ang pag-reset sa rate ay naglalayong tiyakin na sumunod ang NGCP […]

  • Sunod-sunod ang mga parangal na natatanggap: VILMA, ginawaran ng MIFF Lifetime Achievement Award

    SUNOD sunod na naman ang mga parangal na tinanggap ng Star for all Seasons Vilma Santos- Recto. Pagkatapos magwaging “Best Actress Award” for her role sa 2024 MMFF movie “UNINVITED “. Ang parangal ay mula sa 10th Platinum Stallion National Media Awards. Sa katatapos naman na Manila International Film Festival na ginanap sa America ay […]

  • Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel

    PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin.     Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea. […]