PBBM sinabing tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa pandemic
- Published on January 13, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAGMALAKI na inulat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa epekto ng Covid 19 pandemic at maging sa epekto ng Russia-Ukraine war at tensiyon sa Middle East.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagharap nito sa mga miyembro ng diplomatic corps sa isinagawang taunang “Vin D Honneur” (van do ner) sa Palasyo ng Malakanyang.
Binigyang diin ng chief executive na back in business na ang bansa sa gitna nh gumagadang lagay ng ekonomiya at ang pagpapabilis sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
“These, we hope to address in support of various partners and stakeholders. I continue to enjoin the diplomatic corps to work closely with us in identifying areas where we can pursue joint and collective endeavors and initiatives. It is with confidence that I announce that the Philippines has… I could say [has] gotten back [on] its feet from the reeling effect of the pandemic and the subsequent shocks that we have suffered from the Ukraine war and now from the conflict in the Middle East,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos.
Binigyang diin ng Presidente na may mga hakbang na ipinatutupad ang gobyerno para ma kontrol ang inflation.
Patunay dito ang naitalang 3.9% inflation na naitala nitong buwan ng Disyembre.
Bumaba rin ang employment rate nuong buwan ng Nobyembre na nasa 3.6%.
Ayon sa Pangulo ang Pilipinas ay mapapabilang sa fastest growing economy da Asya.
” The Philippines is touted to become one of the fastest-growing economies among major Asian countries in 2023 as forecasted by multilateral organizations such as the ADB (Asian Development Bank), the ASEAN + 3 Macroeconomic Research Office, World Bank and the International Monetary Fund (IMF),” dagdag pa ni Pang. Marcos. (Daris Jose)
-
Obrero na pagala-gala habang armado ng baril sa Malabon, pinosasan
SHOOT sa selda ang isang construction worker matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Noel Roman, 36, construction worker ng Block 40-I, Lot 11, Phase 3-E2, Barangay Longos, […]
-
Bagong polymer banknotes, pagtiyak na ‘secure, durable’ ang PH currency – PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pag-unveil ng bagong polymer banknotes ay makapagbibigay katiyakan na ang Philippine currency ay nananatiling “secure, durable, and sustainable.” Ito’y matapos na tanggapin ni Pangulong Marcos ang unang Philippine polymer banknote series mula kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. sa isang […]
-
Zero COVID case reward sa Maynila, suportado ng DOH
“Huwag itago ang tunay na estado ng kaso COVID-19 sa kanilang lugar.” Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) kasunod ng pagbibigay ng reward na P100,000 ang pamahalaang lungsod sa mga barangay sa Maynila na makakapagtala ng zero COVID-19 case sa loob ng dalawang buwan na magsisimula sa September 1 hanggang October 31. Bagamat […]