• July 19, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, suportado ang NCAP: Nakababawas ito ng korapsyon

AGREE si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ang katuwiran ng Chief Executive ay makatutulong itong mabawasan ang korapsyon sangkot ang mga law enforcer at motorista.

“In principle, agree ako diyan sa no contact. Agree ako diyan, magandang layunin niyan. Ang layunin niyan is ‘yung traffic ano, masundan ‘yung rules of the road na ‘di tayo kung anu-ano ‘yung ginagawa natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang episode ng BBM Podcast, araw ng Biyernes.

“Bawas ‘yan sa korapsyon,” giit ng Pangulo.

Sa kabilang dako, taliwas sa pananaw ng mga kritiko ng polisiya, tinuran ni Pangulong Marcos na titiyakin ng NCAP na hindi na makakasanayan ang pangingikil.

“Para sa akin it will be the opposite… Ito it will be based solely kung ano ‘yung nasa picture. Magbabayad siya ng multa, hindi binibigay sa kahit kaninong tao, it’s straight to the system,” aniya pa rin.

Ang NCAP ay isang patakaran na gumagamit ng closed-circuit television (CCTV), digital camera, at iba pang kagamitan o teknolohiya upang kuhanan ng video o larawan ang mga sasakyang lumalabag sa batas-trapiko, sa halip na hulihin ng mga traffic enforcer sa kalsada. (Daris Jose)