PBBM, tinitingnan ang ‘self-regenerating’ pension plans para sa AFP, PNP
- Published on May 24, 2023
- by @peoplesbalita
HANGAD ng pamahalaan na bumuo at magpalabas ng “self-regenerating” pension plans para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano niyang itong sa sidelines ng inagurasyon ng 160-megawatt wind farm sa Pagudpud, Ilocos Norte.
“We are still in the midst of putting together the pension plans so that it would be self-regenerating,” ayon sa Pangulo.
“Now, we’re working hard on making sure that we have a pension plan both for the AFP and for the police,” dagdag na pahayag nito.
Tinukoy ang posibleng senaryo na mararanasan sa kakapusan ng pondo sa susunod na anim na taon, sinabi ng Pangulo na nais niya na ang militar at pulis ay mayroong self-sustaining pension plan.
Aniya, kasalukuyan nang sinusuring muli ang pension system para sa AFP at PNP para makaiwas sa posibleng fiscal collapse.
“So, bago pa mangyari ‘yun, inuunahan na natin . We are designing a better system,” aniya pa rin.
Sa Senate hearing, araw ng Lunes, sinabi ni Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr. na “very concerned” si Pangulong Marcos sa potensiyal na epekto ng reporma sa pension system sa military and uniformed personnel (MUP).
Tinuran ni Galvez na isusulong ng Pangulo ang “continuous discussion to have a common ground.”
Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang housing program hindi lamang para sa AFP at PNP subalit maging sa iba pang uniformed personnel.
“We are also putting together a program for housing for uniformed services, the police and the AFP… I think we will be able to do it at kasama na rin, maybe we can tie it up with the pension,” anito.
“There are many measures para hindi masyadong mabigat para dun sa sundalo at sa mga police,” dagdag na wika ni Galvez. (Daris Jose)
NEWS 3
-
P1 milyon swak sa PAGCOR Bingo
LIMPAK ang cash prizes sa mga tumatangkilik sa bingo sa ikalawang pagdaraos ng “P1K for P1M” PAGCOR-wide linked bingo game sa darating na Pebrero 22, sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel, Ermita, Maynila. Matapos ang matagumpay na unang yugto ng programa nitong Enero 25, magbabalik ang pinakahihintay na laro ng sambayanan […]
-
Zubiri, bagong Senate president ng 19th Congress
OPISYAL nang nailuklok bilang bagong Senate President si Senator Juan Miguel Zubiri. Ito ay matapos na iboto ng 20 mga senador si Zubiri bilang bagong Senate President sa unang sesyon ng muling pagbubukas ng 19th Congress ngayong araw. Ngunit sinabi naman ng magkapatid na senador na sina Alan Peter Cayetano at […]
-
Ilang sangkot sa korapsyon sa DPWH, patay o retirado na
PATAY na o kaya naman ay retirado na ang ilan sa mga pangalan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na nasa listahan na sinasabing di umano’y sangkot sa korapsyon. Sa briefing na isinagawa para sa pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses ay isinambulat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang korapsyon sa […]