• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinukoy ang pangangailangan na madaliin ang water security sa Pinas

MAY pangangailangan na madaliin ang “water security” sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Muling inulit ng Chief Executive ang direktiba nito na madaliin ang pagkompleto sa water projects sa bansa.

 

 

Kasalukuyan ngayong nasa Davao City ang Pangulo para pangunahan ang inagurasyon ng Davao City Bulk Water Supply Project.

 

 

Ito ay isa sa tatlong event na na gagawin sa balwarte ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

”I continually stress the urgency of improving water security and directed agencies concerned to expedite the completion of all water projects across the country,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

Aniya pa, ang pagkakaputol ng water supply ”degrades quality of life and dampens economic activity.”

 

 

Layon naman ng water project na tugunan ang pangangailangan ng mahigit sa isang milyong Davaoeños at dagdagan ang tiwala sa groundwater sources sa pamamagitan ng paggamit sa Tamugan River, sinasabing nananatiling pinagkukuhanan ng tubig sa Davao District.

 

 

Ang public-private partnership (PPP) project sa pagitan ng Apo Agua Infrastructura, Inc. (Apo Agua), isang water subsidiary ng Aboitiz InfraCapital (AIC), at Davao City Water District (DCWD), ang water treatment facility ng proyekto ay pinapagana ng renewable energy mula sa sariling nitong run-of-river hydroelectric power plant.

 

 

Ang lahat ani Pangulong Marcos ng emergency, kakapusan sa tubig ang pinakamahirap na pigilan.

 

 

”It is, however, preventable – with foresight, right plans, united action, and strong political will,” ayon sa Chief Executive.

 

 

”Anticipating problems instead of letting them catch us by surprise is how we approach these challenges in the Bagong Pilipinas. We prepare for contingencies, solve problems, and defuse potential crises before they occur,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, ang unang event ay dinaluhan ng iba’t ibang opisyal ng pamahalaan kabilang na sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga, Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo at Presidential Communications Secretarry Cheloy Garafil, at Iba pa.

 

 

Iyon nga lamang ay kapansin-pansin na wala ang presensiya ni Davao City Mayor Sebastian ”Baste” Duterte sa naturang inagurasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Dagdag na bagong fire station itatayo sa

    MALAPIT nang magkaroon ng karagdagang istasyon ng bumbero ang Navotas City kasunod ng paglagda ng 30-taong usufruct sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP).     Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng BFP ang 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East para sa iminungkahing Navotas Central Fire Station at iba […]

  • Alas, Dagdag nagpakasal

    NAGPAKASAL na nitong Setyembre sa isang civil ceremony sina Philippine Basketball Association (PBA) star Kevin Louie  Alas ng North Luzon Expressway Road Warriors at PBA courtside reporter Selina Dagdag.   Pinaskil sa Instagram ng bagong mag-asawa kinabukasan ang mga litrato sa kanilang pag-iisang dibdib.   “A church wedding is what we originally planned but we […]

  • 2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL

    MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.   Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.   Pinayuhan […]