• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, titiyakin na may aanihing benepisyo mula sa Maharlika fund

TITIYAKIN ng pamahalaan na ang planong lumikha ng first-ever sovereign wealth fund ay akma sa pangangailangan ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t  kasalukuyang hinihimay ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa Kongreso, sisiguruhin  niya na ang pagkakatatag nito ay may mapapala o may maaaning benepisyo para sa bansa.

 

 

“We have to design it very specifically to the Philippine condition. And that’s what the legislators are trying to do now – to make sure na babagay para sa atin  and it will be a good thing for us. So that’s the process that we’re undergoing now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam bago pa bumalik sa Pilipinas.

 

 

Nauna rito, nagsagawa ng soft launch ang Pangulo sa  MIF sa idinaos na Philippines’ Country Strategy Dialogue sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, araw ng Martes.

 

 

Ang panukalang lumikha ng MIF para sa Pilipinas ay nakakuha ng suporta mula sa  WEF participants.

 

 

Ang pondo ayon kay Pangulong Marcos ay  gagamitin para i-diversify o pag-iba-ibahin and financial portfolio ng bansa.

 

 

Winika pa ng Pangulo na mayroon din aniyang suhestiyon mula sa business leader na mangalap at makapag-ipon ng pera para sa panukalang  wealth fund sa pamamagitan ng  initial public offering (IPO), proseso kung saan pinapayagan ang  private corporation na magbenta ng  kanilang shares of stock sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon.

 

 

Aniya, kakalkulahin niya ang rekumendasyon kung nararapat sa bansa.

 

 

“You know, going on about the fund, the more we study it, the more it is clear that although the sovereign wealth funds around the world have the same name, they’re all very different,” ayon sa Pangulo sabay sabing“They’re different in purpose, they’re different in methodology and of course, they operate in a different context of law.” (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 1, 2023

  • Pagtatayo pa ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi pipigilan ng Malakanyang

    WALANG balak ang Malakanyang na pigilan ang itatayo pang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, ‘let a thousand community pantries bloom’ dahil ito aniya ay bayanihan.   Sumasalalim aniya ito sa kagalingan ng mga Filipino sa pinakamasamang panahon.   Nauna rito, […]

  • ‘Fan Girl’ humakot ng awards sa 2020 MMFF awards

    Humakot ng awards ang pelikulang “Fan Girl” sa 2020 Metro Manila Film Festival awards.   Nakuha nito ang Best Picture, Best Sound, Best Cinematography, Best Editing, Best Screenplay, Best Director, Best Actor sa pamamagitan Paulo Avelino at Best Actress si Charlie Dizon.   Ang pelikula na gawa ni Direk Antoinette Jadaone ay tungkol sa isang […]