• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.

 

 

“I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi ang nagpaabot ng imbitasyon kay Pangulong Marcos nang mag-courtesy visit ang una sa huli sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na nais din niyang i-check ang situwasyon ng mga overseas Filipino workers sa nasabing bansa.

 

 

Tinuran pa nito na dapat na i-renew ang ugnayan ng Pilipinas sa  United Arab Emirates  upang patuloy na matiyak ang kapakanan ng mga manggagawang filipino roon.

 

 

“Beyond the conference of parties is that we also want to renew our ties with UAE, madaming Pilipino doon, kaya’t kailangan makatiyak tayo na patuloy ang kanilang magandang pagtrato sa ating mga kababayan sa UAE,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

They have been very welcoming, they have treated our people very well. Yhey have protected them, and they have allowed them to make a living in the UAE so that’s something that we hope to continue and even progress further,” aniya pa rin.

 

 

Ang COP ay supreme decision-making body ng  Convention na inatasan na rebisahin at suriin ang “national communications at emission inventories” na isinumite ng mga partido. (Daris Jose)

Other News
  • Pinay tennis star Alex Eala nagkampeon sa Milan tennis

    Na-domina ni Philippine tennis number 1 Alex Eala sa JA Milan 61 Trofeo Bongfilio matapos makuha ang kampeonato sa singles division.     Ang nasabing pagkapanalo ay naganap isang araw matapos na magwagi ito sa tennis doubles.     Tinalo nito si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na […]

  • Umano’y pagpapalayas ng China sa PH Navy, propaganda lamang ayon kay AFP Chief Brawner

    MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng China hinggil sa umano’y pagpaalis nito sa barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Bajo de Masinloc shoal.     Ito nga ay matapos ang inilabas na statement ni China Coast Guard spokesman Gan Yu kung saan sinabi nito na tinaboy daw ng […]

  • DOTr: Paggamit ng automated fare collection system sa lahat ng transport systems pinagaaralan

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang paggamit ng automated fare collection system (AFCS) sa lahat ng pampublikong transportasyon.       Tinatayang gagastos ang pamahalaan ng P4.5 billion para sa proyektong nasabi kung saan ang mga pasahero sa mga buses, jeepneys at lahat ng rail lines kasama na rin ang air services ay maaaring […]