• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, umaasa na matitigil na ang 4Ps dahil sa food stamp program

UMAASA  si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na matutuldukan na ang  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa food stamp program. 
“Sana. Ibig sabihin kasi pag kaya na natin itigil ‘yan, sasabihin natin ibig sabihin wala ng nangangailangan. Maganda talaga kung maabot natin ‘yun. Pero kahit papano kung minsan tinatamaan halimbawa ng bagyo, tinatamaan ng peste, tinatamaan ng kung anu-ano eh kailangan pa rin tulungan,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam matapos ang isinagawang “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program Kick-Off Activity sa Don Bosco Youth Center Tondo, Technical Vocational Education and Training Center, Tondo, Lungsod ng Maynila.
“‘Yung 4Ps eh ‘yung pantawid ‘yun eh. So kung hindi na kailangan magtawid ibig sabihin may trabaho na, may kaya na ang tao, kahit man lang mapakain ang sarili, ang pamilya, sana umabot tayo sa ganoon,” dagdag na wika nito.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang naging talumpati na ang poverty alleviation ay “ultimate goal” ng kanyang  administrasyon sa pagtatapos ng 2028.
“We have always tried to rise up from the throes of poverty but the problem of hunger and malnutrition still remains. And that’s why it has become a priority of this government that we will fight all the poverty. We will put in all the programs so that one day we can say that we are able to give our people, at the very least, the food that they need to survive, the nutrition that they need to survive,” lahad ng Punong Ehekutibo.
“That is the dream of this administration. That is what we are hoping to achieve in this administration, that by the end of 2028, we can say that we have done everything to reduce.” (Daris Jose)
Other News
  • 20 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Taguig

    Aabot sa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa isang residential area sa Taguig City kahapon, Martes.   Pasado alas-7:30 ng umaga nang sumiklab umano ang sunog sa may Lawton Avenue sa Barangay Fort Bonifacio, kung saan natupok ang 10 bahay at nag-iwan ng P150,000 halaga ng pinsala sa ari-arian, ayon […]

  • Pagbira ni Pacquiao kay PDu30, maling estratehiya- Sec. Roque

    MALING estratehiya ang ginagawa ni Senador Manny Pacquiao na pagbira kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para lamang maging bukambibig ang pangalan nito hanggang sa halalan sa susunod na taon.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na gustong tumakbo sa pagka-pangulo ni Pacquiao.   “Pulitika po iyan […]

  • DREAM ROLE COME TRUE: WATCH EXO’S DOH KYUNG-SOO PLAY AN ASTRONAUT STRANDED IN SPACE IN THE MOON

    BEING a fan of space movies, Doh Kyung-soo had a dream of “someday being able to work on a film set in space,” shares the actor, who stars in the upcoming film The Moon.        Doh, who debuted as a member of the K-pop group EXO, is also known for his acting work, such […]