• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.

 

 

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na uungkatin ng Pangulo sa partisipasyon nito sa summit mula Disyembre  12 hanggang 14.

 

 

At sa tanong kung hihingi ng suporta si Pangulong Marcos sa  EU ukol sa  long-standing maritime issue sa China, tinuran ni Espiritu na matagal nang suportado ng  EU ang Pilipinas.

 

 

Sa katunayan nga aniya ay nagsimula ang suporta nito nang lumabas ang arbitral ruling noong 2016 pabor sa Pilipinas.

 

 

“At this point EU has been supporting the Philippines on the South China Sea, including sa (the) arbitral. And this is not only true in terms of the European Union as a whole, but may (there are) individual members who have supported us even sa (in the) arbitral award,”ayon kay Espirutu.

 

 

Binigyang diin pa ni Espiritu na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang posisyon nito sa nasabing usapin sa magiging talakayan sa ASEAN at EU.

 

 

Hindi aniya kasama sa posibleng hihingin na commitment ng Pilipinas mula sa EU ang patrol support.

 

 

Ani Espiritu, sapat na ang suporta na ibinibigay ng EU sa Pilipinas.

 

 

“Yung actual patrol siguro–medyo malayo kasi EU e, malayo tayo but enough na yun na ang lakas ng pronouncement nila paulit ulit yung support nila sa Philippines on the issue,” ang wika ni Espiritu

 

 

“I-arrange mo pa ‘yung actual patrol, we are not discounting that but of course malaking undertaking yan kung sakali. Wala naman sa card ‘yan so far,” dagdag na pahayag nito.

Other News
  • Epekto ng pagtigil ng PRC sa swab testing ng mga OFWs, nakababahala – Bello

    IKINABABAHALA ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pagtigil ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang ginagawang swab test lalo sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa hindi pa nababayarang utang PhilHealth na umaabot sa P930 million.   Sinabi ni Sec. Bello, umaabot na sa mahigit 4,000 OFWs na dumating sa bansa kamakailan […]

  • “SONIC THE HEDGEHOG 2” TRAILER PROMISES NEXT-LEVEL ADVENTURE

    TODAY’S forecast calls for a 100% chance of adventure!  Check out the new trailer for Paramount Pictures’ Sonic the Hedgehog 2 and see it only in Philippine cinemas in 2022.   YouTube: https://youtu.be/t173IsuKwOU   Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/1101652847274695/     About Sonic the Hedgehog 2     The world’s favorite blue hedgehog is back for a next-level adventure in SONIC THE HEDGEHOG 2. […]

  • COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI

    INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine.   Sinabi ni  QC Mayor Joy Belmonte  na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).   Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH  upang magamit sa HOPE Facilities at health centers.   Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]