• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, wala pa rin napipisil na DOH, DND secretaries

MASAYA pa rin daw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa performance ng mga officers-in-charge ng Depertment of Health at Department of National Defense, ito habang idinidiing wala pa siyang napipisil na mga permanenteng kalihim ng mga naturang kagawaran.

 

 

Ito ang ibinahagi ni Bongbong, Huwebes, habang nasa sidelines ng Kadiwa ng Pasko caravan sa Lungsod ng Quezon.

 

 

“Wala, we just go to the process. Wala pa kaming DOH. Wala pa kaming nino-nominate. Usec. [Ma. Rosario] Vergeire is doing a fine job. Kasi we are still not out of the pandemic. So we have to continue to be careful,” sabi ng presidente kanina.

 

 

“Sa [Department of Agriculture], sa DND, no, I think… Happy ako with the situation as it is now. We’ll see. These things are revisited, especially every year at the end of the first year. I don’t think that’s a secret to anyone that at the end of the first year, ‘yung mga ibang kandidato, they will now join the mix of possible nominees.” (Daris Jose)

Other News
  • ANDREA, naglitanya at wala nang paki kay DEREK dahil matagal nang naka-move-on

    NAGKAKAROON ng diskusyon o palitan ng kuro-kuro ang netizens na pumapanig sa Kapuso actress na si Andrea Torres at may mas pinapaboran si Derek Ramsay, kasama na rin ang fiancée nito na si Ellen Adarna.     Katulad nga ng naisulat namin dito, babasagin na rin ni Andrea ang kanyang katahimikan sa last year’s break-up […]

  • HEART, pinatulan ang basher na nagsabing ‘scripted’ ang photos na kanyang pino-post at tatakbo raw na nakahubad

    PINUSUAN ng followers at netizens ang pampa-good vibes na IG post ni Heart Evangelista na kung saan ibinahagi niya ang isang ng photo collage nila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, na kuha habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California.     Nilagyan ito caption ng Kapuso actress ng, “Live, laugh, love.” at naka-tag ang IG account […]

  • Pinay volleyball star Jaja Santiago inalok na maging naturalized player ng Japan

    Inalok si Filipina volleyball star Jaja Santiago ng koponan na sa Japan na maging naturalized player nila.     Ayon sa 25-anyos na middle blocker na mula pa noon ay pinili na niya ang Japanese team na Saitama Ageo Medics.     Paliwanag niya na may mga alok ang ibang bansa na maglaro sa kanilang […]