PCO, lalagda ng MOU sa partner agencies para labanan ang disinformation, misinformation
- Published on August 15, 2023
- by @peoplesbalita
HANDA na ang Presidential Communication Office (PCO) na ipatupad ang Media and Information Literacy (MIL) Campaign Project ng administrasyong Marcos.
Sa katunayan, magkakaroon ito ng ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang mga partner agencies sa darating na Lunes, Agosto 14, 2023.
Ang aktibidad ay gagawin sa Hilton Manila sa Pasay City.
Ang MIL ang tugon ng administrasyon sa “disinformation at misinformation” na salot sa digital landscape ng bansa, nakatuon sa pagpapahusay sa mga kabataan na maging mas maunawaing consumers ng media
Sa kabilang dako, ang iba pang ahensiya na kasama sa inisyatiba ay ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“These agencies will collaborate with the PCO on a comprehensive execution plan crafted to target the identified root causes of the issue. The MIL will be integrated into the higher education curriculum, community-based trainings, and family-oriented programs,” ayon sa Malakanyang.
Inaasahan naman ang mga social media companies at kanilang mga plataporma na makikipag-sanib puwersa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng
‘tools’ o gamit at kasanayan para labanan ang “disinformation at misinformation.”
Samantala, kabilang maman sa mga ito ay ang Google (YouTube), Meta (Facebook, Instagram, at Threads), TikTok at X (formerly Twitter). (Daris Jose)
-
PBBM, aprubado ang national innovation agenda
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., chairman National Innovation Council (NIC), ang National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032. Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at ang pagtatatag ng dynamic innovation ecosystem. Ang […]
-
Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1
TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28. Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito […]
-
Nicolas Cage Is Radioactive In New Prisoners Of The Ghostland Trailer
IN the new trailer for the upcoming action thriller, Prisoners of the Ghostland, Nicolas Cage wears a leather samurai outfit and appears to survive a nuclear explosion. Co-starring Sofia Boutella (Atomic Blonde), Nick Cassavetes (Face/Off), and Bill Moseley (Halloween 2007), the film follows a notorious criminal (Cage) who is tasked with tracking down and rescuing Bernice (Boutella), the abducted […]