• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda

TINIYAK ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty.

 

 

Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

 

 

Mabilis na inatasan ni PCSO General Ma­nager Mel Robles ang mga branch office at Small Town Lottery Authorized Agency Centers (STL AACs) sa Northern Luzon na maghanda para sa pamamahagi ng tulong para sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.

 

 

“We understand the importance of preparedness, and our branch offices will be in constant coordination with local organizations and go­vernment units for effective response and distribution of assistance,” ayon kay GM Robles.

 

 

Nauna nang naghanda ang PCSO Main Office sa Mandaluyong City ng libu-libong food packs bukod sa mga sako ng bigas at relief goods na nakaposisyon sa mga sangay nito sa Cagayan at Benguet; at STL ACCs sa Baguio, Pangasinan, Cagayan, Iloocs Norte, La Union, Kalinga at Olongapo. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 2, 2024

  • Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

    Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.     Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro […]

  • ‘Pinas, mananatiling miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance

    MANANATILING  miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa mga western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque, ipinahihiwatig lamang daw ng  naging pahayag na […]