• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDA, bawal na muna

Muling nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magsing-irog na maghinay-hinay muna sa paglalambingan sa publiko habang umiiral pa rin ang quarantine protocols sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Ito ang paalala ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana kasabay ng muling paghihigpit ngayong nanunumbalik ang lockdowns sa ilang lugar sa Metro Manila.

 

 

 

Aniya, paglabag ang pisikal na lampungan sa publiko sa mga health and safety protocols na una nang itinakda ng gobyerno. Sakop ng “automatic violation” ang yakapan, holding hands at halikan sa labas ng bahay.

 

 

“This is a mere reiteration of previous advisory from the [government]. Kahit naman po since [the] start of restrictions, bawal ang mga [public displays of affection] talaga,” sabi ni Usana .

 

 

“[B]awal po magtabi at magkakausap ng malapitan ang sinuman, bawal po ang pagpunta sa mga matataong lugar na nagsisiksikan ang bawat isa… Alam po ng mga tao ang bawal po.”

 

 

Inutusan ang kapulisan na itahin ang mga lalabag, na sakop din ang mga magkakamag-anak at magkakaibigan sa mga pampublikong lugar.

 

 

Wala naman daw arestuhan agad-agad para sa mga magsinta na mahuhuling nag-P-PDA: warning lang daw muna sa first offense.

 

 

“The virus may be right before them. Infection happens to families, it can happen to anyone, anywhere. People [should] maintain cautious from the spread of the virus,” dagdag ni Usana, habang iginigiit na hindi na ito bagong alituntunin.

 

 

“And if [you love your] spouse, [your] children… be aware of the minimum heal

 

 

Noong Biyernes hanggang Lunes, matatandaang lagpas 3,000 ang naidadagdag na bagong hawa ng COVID-19 kada isang araw sa Pilipinas — bagay na ilang buwan nang hindi naitatala ng Department of Health (DOH). Natataon ito sa pagpasok ng mas nakahahawang variants sa bansa na unang nadiskubre sa South Africa at United Kingdom.

 

 

Umabot na sa 600,428 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling ulat ng DOH nitong Martes. Sa bilanbg na ‘yan, patay na ang 12,528.

Other News
  • Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

    PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.       Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]

  • ALDEN, maagang nag-celebrate ng Father’s Day kasama si Daddy Bae dahil balik-lock-in taping na sila

    TODAY, June 18, balik-lock-in taping si Alden Richards at buong cast ng upcoming GMA Primetime drama series na The World Between Us.     Kaya naman maagang nag-celebrate ng Father’s Day ang mag-amang Richard Faulkersons, kahit sa Sunday, June 20 pa ang araw ng mga ama.     Kaya si Alden in between ng mga […]

  • Chicago sinapawan ang Brooklyn

    Humugot si DeMar DeRozan ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Chicago Bulls na talunin ang Brooklyn Nets, 111-107, sa banggaan ng top teams sa Eastern Conference.     Binuksan ng Bulls (16-8) ang fourth period ng13-4 atake at iniwanan ang Nets (16-7) sa 92-86 mula sa short jumper ni […]