PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo
- Published on March 15, 2022
- by @peoplesbalita
INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito.
Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay inendorso ni Pangulong Duterte ang presidential bid ni Robredo nang sabihin nito na ang susunod na Pangulo ng bansa ay dapat na “compassionate and decisive lawyer.”
“For me and for millions of Filipinos, there is only one decisive and compassionate lawyer among those aspiring to be president and she is VP Leni,” ayon kay Evardone sa isang kalatas.
“She’s the only one who can hurdle President Duterte’s standard for his successor,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Evardone na consistent si Robredo sa kanyang pro-poor advocacies, na aniya’y umabot pa sa Eastern Samar.
“We will need a president who is determined and forceful in addressing these issues but at the same time one who has compassion for all affected sectors, especially the poor. It’s VP Leni who fits the bill,” ayon kay Evardone.
Samantala, hanggang sa gayon ay wala pa ring ine-endorso na presidential candidate sina Pangulong Duterte at ang PDP-Laban faction sa pamumuno ni Energy Secretary Alfonso Cusi. (Daris Jose)
-
Easter message ni PDu30: Magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa, tumayong nagkakaisa
TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Filipino ngayong Easter Sunday na magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao. Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mga mamamayang Filipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na […]
-
MAHIGIT 430 NA OPISYAL NG BI SA NAIA, BINALASA
MAHIGIT 430 na mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay binalasa at binigyan ng bagong terminal assignment bilang bahagi ng ahensya na maiwasan ang korapsiyon ng kanilang tauhan. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa kabuuang 356 na kanilang frontline immigration offices na kasalukuyang […]
-
Sekyu, estudyante, 4 pa arestado sa pagsinghot ng shabu sa Valenzuela
TIMBOG ang anim na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang security guard at 17-anyos na estudyante matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City. Ayon kay PCpl Pamela Joy Catalla, habang nasa loob ng kanilang opisina ang mga operatiba ng Station Drug […]