• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, alam na hindi labag sa batas ang posibleng pagtakbo bilang vice president sa 2022 elections

HINDI naman lingid sa kaalaman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nakasaad sa Saligang Batas partikular na sa kanyang magiging pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections.

 

Kaya naman ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakatitiyak ang Pangulo na wala itong lalabaging batas sakali mang magdesisyon siyang tumakbo bilang bise presidente Sa 2022 elections.

 

Sa kabilang dako, iginiit naman ni Sec. Roque na isinaalang-alang ng Pangulo ang pulso ng taumbayan ukol sa kanyang mga ginagawang desisyon.

 

Sa ngayon aniya ay makabubuting hintayin na lamang muna ang magiging pinal na pasya ng Chief executive hinggil sa kung tatakbo ito O hindi sa darating na halalan ng susunod na taon.

 

Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ikukunsidera ni Pangulong Duterte ang public opinion sa pagdedesisyon kung ipupursige ang pagtakbo bilang bise-presidente sa 2022.

 

“The President is sensitive to the sentiments of the public, but we should rather wait for his decision,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita na 60% ng mga Filipino ang naniniwala na lalabagin ni Pangulong Duterte ang 1987 Constitution kung tatakbo siya bilang bise presidente sa 2022 elections.

 

Lumabas din sa kahalintulad na survey na 39% ng mga respondents ang nagsabi na dapat na tumakbo ang Pangulo bilang bise-presidente sa halalan sa susunod na taon “because I would like his management of the government to continue.”

 

Ang natitira namang 1% ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.

 

Matatandaang, si Pangulong Duterte ang nominado ng PDP-Laban wing na pinangungunahan ni Energy Secretary Alfonso Cusi bilang kanilang vice presidential candidate para sa 2022 polls — ang nominasyon ay tinanggap ng Pangulo.

 

Ang paghahain naman ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa 2022 elections ay mula Oktubre 1 hanggang 8.

 

Para kay Sec. Roque, naniniwala ang Chief Executive na walang legal impediment para sa kanyang posibleng 2022 vice presidential run.

 

“The President is a lawyer and it is not expressly prohibited in the Constitution, and as such it is allowed,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 25, 2024

  • Guidelines sa mga caravans at motorcades, inilabas ng MMDA

    Magiging pahirapan ngayon para sa mga organizers ng mga caravans at motorcades ng mga tumatakbong kandidato sa 2022 national at local elections kasunod pag-iisyu ng Manila Development Authority (MMDA) ng guidelines sa National Capital Region (NCR) sa pagsasagawa ng mga naturang aktibidad.     Ito ay para siguruhin ang kaligtasan ng mga lansangan dito sa […]

  • HALOS P35 MILYON SHABU NASABAT SA CALOOCAN BUY-BUST

    PINURI ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Debold Sinas ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit sa matagumpay nilang drug operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa halos P35 milyon halaga ng shabu mula sa isang grab driver na hinihinalang big-time drug pusher na nasakote sa buy-bust operation sa Caloocan City.   Kinilala ni Northern […]