• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30 at Pacman, nagpulong sa Malakanyang, nagkabati na

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nangyaring pulong noong Nobyembre 9 sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Manny Pacquiao.

 

” It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Aniya, naroon din sa pulong si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

 

Tiniyak ni Sec. Roque na walang napag-usapan ukol sa pulitika kundi “renewal of friendship.”

 

Ang importante rin aniya ay pulong ito sa pagitan ng dalawang national leaders mula Mindanao, kung saan ay pinag-usapan ang ilang bagay na may kinalaman sa concern ng mga mamamayan sa kanilang lugar lalo na aniya sa larangan ng imprastraktura at power industry.

 

Ganito rin ang naging pahayag ng Tanggapan ni Pacquiao.

 

Sinabi naman ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na mabilis lamang ang nasabing pulong na ni- request ng kampo ni Pacquiao.

 

“Kamustahan lang, maikli na usapan, renewal of friendship, walang pulitika,  importante nagkausap sila ni PRRD. Kami naman ni Manny , kaibigan naman kami ni kumpare,” ayon kay Go sa isang text message. (Daris  Jose)

Other News
  • Ads December 1, 2023

  • 3M pamilyang Pilipino nagutom sa huling quarter ng 2022, sabi ng SWS

    LUMOBO sa 11.8% ng pamilyang Pilipino (3 milyon) ang “nagutom at walang makain” sa huling tatlong buwan ng 2022, ito kasabay ng pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin sa 14 taon.     Ito ang napag-alaman ng Social Weather Stations (SWS) matapos isapubliko, Huwebes, ang kanilang “hunger rate” survey na ikinasa mula ika-10 hanggang […]

  • Pamahalaang Panlalawigan, BCCI, nagdagdag ng kulay sa Ika-50 Anibersaryo ng Sto. Niño de Malolos, naghain ng trade fair sa mga bisita

    LUNGSOD NG MALOLOS– “In for a treat” ang mga bisita ng Sto. Niño de Malolos Grand Exhibit mula sa lahat ng sulok ng bansa sa pagkakaroon ng pagkakataon na matikman ang masasarap na lutong Bulakenyo at makapamili ng kakaibang produkto sa Tatak Bulakenyo/BUFFEX Trade Fair sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng […]