• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, atras sa pagtakbo bilang bise-presidente kapag tumakbo si Mayor Sara sa Eleksyon 2022

KINUMPIRMA at nagbigay linaw ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi na kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi siya tatakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.

 

“Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si Mayor Sara Duterte, out siya at out din po si Senator Bong Go,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“If  I were to quote him, “Should Sara decide to run, Bong Go is out. For my part, dahil delicadeza, hindi po puwede dalawa kami diyan, if she runs, out na rin ako, so ‘yun po ang sinabi niya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Malinaw  na sinabi ng Pangulo na kung hindi tatakbo si Mayor Sara sa pagka-pangulo ay tatakbo siya bilang bise-presidente.

 

“Pero ang talagang sagot po ay, tatakbo ba siya bilang vice president? ang sagot ay hindi kung tatakbo po si Mayor sara duterte sa pagka presidente. Tatakbo siya kung hindi tatakbo si Mayor Sara,” aniya pa rin.

 

Ang katwiran ng Pangulo sa bagay na ito ay “por delicadeza”.

 

Hindi puwedeng dalawa silang Duterte na tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

 

Samantala, sigurado naman si Sec. Roque na pag-uusapang mabuti ng ruling party PDP-Laban ang bagay na ito.

 

“Hahayaan ko ang PDP-Laban dahil hindi naman ako kabahagi ni PDP-Laban,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections

    TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.   Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo […]

  • Experience the Explosive Action and Unparalleled Chemistry of Will Smith and Martin Lawrence in “Bad Boys: Ride or Die”

    Will Smith and Martin Lawrence – cinema’s bad boys of action-comedy – are back again in Bad Boys: Ride or Die.           “It’s magical to see them both together,” says Bilall Fallah, who directs with his partner Adil El Arbi, and are best-known as simply Adil & Bilall. “It’s unbelievable, the […]

  • Kaso vs Duterte, iba pa ikinakasa na ni De Lima

    NAKATAKDANG magsampa ng kaukukang kaso si dating senador Laila de Lima laban sa mga taong nagsangkot sa kanya sa kasong illegal drug trade sa pangunguna ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ang sinabi ni De Lima sa isang press conference sa Quezon City kaugnay ng epektong idinulot sa kanyang buhay at sa pamilya […]