PDu30, bibigyan ng hustisya ang 3 namatay sa fatal shoutout sa pagitan ng mga tauhan ng QCPD at PDEA sa QC
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS ang pag-aalala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring fatal shootout sa pagitan ng mga police officers at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), araw ng Miyerkules.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinangako ng Pangulo na bibigyan niya ng hustisya ang tatlong nasawing indibidwal.
“The President, of course, expressed both sadness and concern bakit nangyari nga ito na kapwa tao ng gobyerno ay nagkaputukan,” ayon kay Sec. Roque.
“Ang in-assure niya, gaya ng nangyari sa Sulu, ay we will get to the bottom of this incident, magkakaroon po ng partial investigation at justice will be done,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, tatlo ang namatay sa nangyaring “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.
Ito matapos na marekober ang isa pang bangkay na mula sa operatiba ng PDEA.
Nauna nang naiulat na dalawang pulis ang nasawi sa nasabing buy bust operation ng dalawang panig na nauwi sa engkwentro.
Samantala, inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa engkwentro.
Paglilinaw ni Guevarra, ang pag-iimbestiga ng NBI ay hiwalay sa pag-iimbestiga ng ad hoc joint PNP – PDEA Board of Inquiry.
Una nang nagkasundo ang PNP at PDEA na bumuo ng joint Board of Inquiry para imbestigahan ang pangyayari na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong pulis, dalawang PDEA agents at isang sibilyan.
Batay sa ulat ng QCPD – Batasan Police Station, nagsagawa ng anti-drug operation ang QCPD-Special Operations Unit sa lugar at una silang pinaputukan ng mga ahente ng PDEA.
Pero sinabi ni PDEA Spokesperson Dir. Derick Carreon na may operasyon din sa lugar ang mga tauhan ng kanilang Special Enforcement Service. (Daris Jose)
-
MMDA nais panatilihin ‘mandatory face mask’ kahit Alert Level Zero
GUSTONG panatilihin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sapilitang pagpapasuot ng face masks sa publiko kahit na i-deescalate pa ang ilang lugar sa mas maluwag na “Alert Level zero” sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases. Ito ang ibinahagi ni MMDA general manager Frisco San Juan Jr., Martes, sa panayam ng state […]
-
JOHN LLOYD, binigyan ng kakaibang importansiya at payo si JOSHUA
WALA pa rin kupas ang isang John Lloyd Cruz. Kahit na tatlong taon din yata na nag-leave ito sa showbiz, tila nasasabik pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya. Pinagkaguluhan si John Lloyd ng mga fan niya sa Sorsogon. Kasalukuyang nasa naturang probinsiya ang actor para sa shooting ng Servando […]
-
P340K droga nasabat sa 2 HVI sa Valenzuela drug bust
MAHIGIT P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga. Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, ikinasa […]