PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City
- Published on May 9, 2022
- by @peoplesbalita
BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City.
Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon.
Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate bilang kanyang successor.
Nagpahayag lamang siya ng kanyang suporta sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tumatakbo bilang bise-presidente at ilang Senate hopefuls.
HIndi naman in-endorso ng Pangulo ang running mate ng kanyang anak na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tumatakbo sa pagka-pangulo.
Gayunman, bilang pangulo ng PDP-Laban party ay suportado nito ang tambalang Marcos and Duterte-Carpio.
Si Pangulong Duterte, pang-16 na Pangulo ng bansa ay nakatakdang iwan ang Malakanyang sa Hunyo. (Daris Jose)
-
ALAMIN: Mga bagong guidelines sa COVID-19 vaccination
Higit isang buwan mula nang mag-umpisa ang Pilipinas sa rollout ng mga bakuna laban sa COVID-19, naglabas ang Department of Health (DOH) ng karagdagang panuntunan bilang gabay sa mga pagbabakuna. Sa ilalim ng Department Memorandum No. 2021-0175 na may petsang April 8, 2021 nakasaad ang ilang karagdagang guidelines para sa publiko at vaccination sites. […]
-
PDu30, hands off sa napipintong pagpapalit ng House leadership -Sec. Roque
HANDS off si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa usapin ng term sharing sa Kamara sa pagitan nina House Speaker Allan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco. Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi panghihimasukan ni Pangulong Duterte ang una nang naging arrangement ng dalawang mambabatas na may kinalaman sa hatian ng pamumuno […]
-
Mula Oct 18-31: Bulacan, Apayao at Capiz, nasa ilalim na ng GCQ
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon na ilagay ang Bulacan, Apayao at Capiz sa General Community Quarantine (GCQ) mula Oktubre 18, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021. Nauna nang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bulacan at Apayao habang ang Capiz naman ay iniyal na isinailalim sa GCQ “with […]