PDU30: detensyon o pagpiit sa resource person sa Senate probe, isang pang-aabuso
- Published on September 25, 2021
- by @peoplesbalita
IKINUNSIDERA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “oppression” ang detensyon o pagpipiit ng resource persons na tumangging sabihin ang nais ng mga senador na nais nilang marinig sa pagdinig sa Senate blue ribbon committee hinggil sa di umano’y overpriced ng pandemic supplies.
Sa Talk to the Peole, araw ng Miyerkules, hinamon ni Pangulong Duterte ang komite na magsampa ng kaso laban sa mga concerned personalities kung ang komite ay may sapat na ebidensiya.
“Pharmally o ano, idemanda na ninyo. May ebidensiya naman kaya kayo”, ayon kay Pangulong Duterte.
“But to detain someone because you are not getting answers you want to hear is pure oppression,” dagdag na pahayag nito.
Tinukoy ang Saligang Batas, binatikos ni Pangulong Duterte ang Senate committee dahil sa pagbabanta sa mga resource persons na mabibilanggo kapag tumanggi na sumagot sa ilan nilang katanungan.
“They are not respondents. As a matter of fact, they are called resource persons,” paglilinaw ni Pangulong Duterte.
“Tapos kukulungin mo? That’s a violation of the constitutional right of a person. Iyang contempt na ‘yan, it’s a very malaking question mark ‘yan,” diing pahayag nito
Nauna rito, binira ni Pangulong Duterte si Senador Gordon — nangunguna sa imbestigasyon ng blue ribbon committee para sa paggamit ng testimonya ng sinibak na si Police Colonel Eduardo Acierto, na tinawag nitong “perjured witness.”
Si Acierto ay ang pulis na naugnay sa Chinese businessman na si Michael Yang, dating economics adviser ni Pangulong Duterte.
Ang mga senador na nagsasagawa ng imbestigasyon ay nagpahayag na si Michael Yang, ay may kaugnayan sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation, which is being questioned para sa di umano’y overpricing ng medical supplies para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ang Pharmally, isang maliit na kompanya ang siyang nakasungkit ng P8 bilyong halaga ng procurement deals sa gobyerno.
Nauna rito, nagpalabas naman ng contempt citation ang Senado laban kay Yang, ana dahilan para arestuhin ito kasama ang ibang opisyal ng Pharmally, para sa di umano’y pag-iwas sa panahon ng pagdinig. (Daris Jose)
-
Balitang nagkaayos na rin sila ni LJ: PAOLO, ayaw pang sabihin na ‘officially’ sila na ni YEN
KAHIT nag-post siya ng litrato ni Yen Santos nong birthday nito at nanalong Best Actress sa URIAN, hindi raw iyon nangangahulugan na Instagram official na sila, ayon kay Paolo Contis. “Wala, walang official na ano, wala na akong inaanong official, what you see is what you get,” ang diretsong pahayag sa amin ni […]
-
Sana ako si Santa Klaus (1)
PASKO 2020 na po sa darating na Biyernes, Disyembre 25. At kagaya po nang nakagawian ng Opensa Depensa sapul noong 1997 dito sa People’s BALITA Sports, may mga gusto po akong mangyari o ako po’y may mga kahilingan sa ating Dakilang Diyos. O sana ako lang po si Santa Klaws para matupad ang […]
-
“DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21
DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21. Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices. Catch these […]