• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, duda na nage-expire ang face shield

DUDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na napapaso o nae-expire ang face shields.

 

Ito’y sa kabila ng naging paliwanag ng Department of Health (DOH) na ang medical-grade face shields ay mayroong “specific shelf life.”

 

Nauna rito, araw ng Biyernes sa Senate hearing ay napag-alaman na pinapalitan di umano ng Pharmally Pharmaceutical Corp. ang expiration date ng medical-grade supply na nakalaan para sa health workers sa unang bahagi ng pandemiya.

 

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes na mahirap paniwalaan na ang isang piraso ng plastic ay nage-expire.

 

“Expiration? Mahirapan akong mag-ano ng expiry. Medisina siguro. Pero itong, makihiram lang ho ng plastik,” ayon sa Pangulo habang hawak ang isang face shield.

 

“Paano ito mag-expire? Unless abusuhin mo, itapon tapon mo, pero kung isuot mo lang, magandang pagkalagay, ganoon, paanong mag-expire ‘yan? Mag-expire, but maybe in about, it will take you about 10, 15 years. Ayan mag-expire ‘yan dahil sa scratches,” giit nito.

 

Dahil dito, inakusahan ng Pangulo si Senador Richard Gordon na pilit na namang gumagawa ng kahit na anong isyu para batikusin ang administrasyon.

 

“Itong sina Gordon, obvious na wala nang ibang mahanap na pupuwedeng ibato na issue against officials of the executive. Eh ako I am not bothered at all,” ani Pangulong Duterte.

 

Ang paliwanag naman ng DOH, ang medical-grade face shields ay mayroong “certain shelf life,” kung saan ang kalidad ng foams na nakakabit sa produkto ay maaaring mapasama “over time.”

 

Ang face shield na ginagamit kasi ng mga medical frontliners ay iba mula sa mga face shield na ipinabibili sa publiko, ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

“Just like any medical commodity, mayroon din pong tinatawag na shelf life. Ito pong face shields na binibili namin is not for the community,” ayon kay Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • Nagtampo kay Anjo dahil pinangakuan ng kasal: SHERYL, inamin ang mga nakarelasyon kasama si AGA

    MARAMING pasabog ang Kapuso aktres sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday.  Dere-deretsong ikinuwento ni Sheryl Cruz ang mga aktor na naging karelasyon niya.  Naka-relasyon niya sina Aga Muhlach, Mandy Ochoa, Zoren Legaspi at Anjo Yllana.  “Actually I call him Ariel (real name ni Aga) during the time that we were […]

  • Civil Service Commission, may paalala sa mga kawani ng gobyerno na magsasagawa ng Christmas party

    TODO  paalala ngayon ang Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na siguruhing hindi maaantala ang kanilang serbisyo kahit na kaliwa’t kanan na ang Christmas at year-end parties.     Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, hindi naman ipinagbabawal ang pasasagawa ng office parties lalo’t taunang tradisyon na ito ngayong holiday […]

  • VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador

    MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance.       Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin.     Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink.     Hindi lang naman siya ang […]