• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results.

 

Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay bumaba ng 17 percentage points, mula sa peak o rurok na +79 percent net rating noong Nobyembre 2020 survey na naging +62 percent net rating sa pinakahuling survey nito lamang Hunyo 2021.

 

“It’s still good, but I think it’s time. There’s always a time for everything. Even if you get a 64 rating, may panahon-panahon ang buhay. So sa palagay ko, tama yung ginawa ko,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

Ani Pangulong Duterte, ang kanyang desisyon na magretiro mula sa politika ay pagbibigay galang sa hangarin ng mga mamamayang filipino matapos na isiwalat ng isa pang SWS survey na 60% ng 1,200 adult Filipino ay naniniwala na isang paglabag sa Saligang Batas ang pagtakbo niya (Pangulong Duterte) bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022.

 

“I withdrew my vice presidential bid for next year’s elections after giving serious thought to the sentiments of the Filipino people expressed by different surveys, forums, caucuses, and meetings,” anito.

 

Naniniwala naman ang Pangulo, na ito na ang tamang oras para magbigay daan sa “new set of leaders” na inaasahan niyang magpapatuloy ng reforms projects, at mga programa na sinimulan ng kanyang administrasyon.

 

“It is my hope that the new set of leaders will pursue a platform of government that will build on our gains in the areas of fighting illegal drugs, criminality, corruption, terrorism, and insurgency. I likewise hope that you will continue what we have begun in terms of infrastructure development and the many other initiatives we have undertaken during my term,” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, kumpiyansang inihayag naman ng Pangulo na ang kanyang dating long-time aide na si Senador Christopher “Bong” Go ay “best person” para tulungan ang susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang legacy at makapagdagdag sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa healthcare, edukasyon at iba pang social services para sa mga mamamayang filipino.

 

Pinuri ng Pangulo si Go para sa pagtatatatag ng Malasakit Centers noong siya ay isa palang Special Assistant to the President (SAP) at tumutulong na mapadali ang pagpapatibay ng isang batas bilang isang senador.

 

Pinuri pa rin ng Chief Executive si Go dahil maayos nitong nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang mambabatas sa pamamagitan ng pagpapasa ng ilang mahahalagang batas, pagbisita at pagbibigay ng tulong sa mga Filipino, lalo na sa mga nasunugan, biktima ng baha, at iba pang kalamidad at maging iyong mga labis na naapektuhan ng kalamidad dahil sa kasalukuyang Covid-19 pandemic.

 

“With his track record of service and strong work ethic rooted in compassion towards the poor and the neglected, I strongly believe that he will be the best vice president of the country,” anito.

 

Hnikayat naman ng Pangulo ang mga Filipino na tingnan ang mga nagawa at achievements ni Go.

 

Nito lamang Oktubre 2, naghain ng kanyang certificate of candidacy para sa bise-presidente si Go para sa Eleksyon 2022 habang nagdesisyon naman si Pangulong Duterte na umatras sa kanyang nominasyon na tumakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng ruling Partido Demokratiko ng Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction of Energy Secretary Alfonso Cusi.

 

Si Go ay hinirang ng PDP-Laban bilang kanilang presidential nominee, subalit tinanggihan nito ang nasabing alok dahil hindi siya interesado.

Other News
  • P1M premyo sa LGBA Cocker of the Year – Crisostomo

    IHAHATAG pa rin ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit sa susunod na Lunes, Marso 16, tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1M.   “Asinta ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” […]

  • Paalala ni PBBM sa mga opisyal: KEEP HELPING DISASTER VICTIMS

    PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng opisyal ng pamahalaan na ikonsidera ang pakikipaglaban ng mga naging biktima ng Severe Tropical Storm Kristine sa panahon na gusto na ng mga ito na sumuko sa mga hamon na dala ng kalamidad.     “Just remember there are people still in water right now, […]

  • BEA, natupad na ang dream na maka-duet si JULIE ANNE sa ‘All-Out Sundays’; ramdam ang warm welcome ng mga Kapuso stars

    SUMABAK na ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo sa live presentation kahapon, October 3, sa All-Out Sundays.     Sabay ang pag-welcome kay Bea ng mga Kapuso stars, at birthday celebration niya. May magandang singing voice si Bea, dream daw niyang maka-duet si Julie Anne San Jose, na natupad naman dahil iyon ang […]