PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).
Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa swab testing processed sa iba’t ibang molecular laboratories ng PRC na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.
“I also would like to ask. Are your testing facilities and equipment are really as good as you say they are? Because I have heard of many false-positive cases from your laboratories. Can you enlighten the Filipino people on this?” ayon sa Pangulo.
Aniya, ipinabatid sa kanya na may 44 mula sa 49 na kabuuang hospital personnel ang nagpositibo sa swab tests na ginawa ng molecular laboratory ng PRC sa Subic subalit nag-false positives matapos na magpa-retest ang mga ito sa ibang pasilidad.
Bukod dito, may 213 personnel ng Presidential Security Group ang na-test positive sa proseso ng PRC Manila subalit nag-negatibo naman sa kanilang confirmatory tests.
Idinagdag pa nito na maging ang mga opisyal ng Department of Finance ay nakaranas ng kahalintulad na insidente mula sa PRC.
“Because of this information then maybe the DOH must investigate this matter. You could be putting more people at risk. You could be falsely adding to the total positive cases per day of this country,” ayon kay Pangulong Duterte.
Samantala, kinumpirma naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na nakatanggap sila ng reklamo sa bagay na ito.
Aniya, sanib-puwersa ang health department at ang Research Institute for Tropical Medicine na nag-iimbestiga ngayon sa insidente sa PRC Subic. (Daris Jose)
-
Kasama pa sina Janice, Mon at Chanda sa ‘Espantaho’: JUDY ANN at LORNA, tiyak na mapapasabak sa matinding aktingan
PANGALAWANG beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula, at ito ay sa kasalukuyang sinu-shoot ngayon na horror film, ang ‘Espantaho’. “First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami yung scenes namin together at tsaka hindi kami yung mag-ina doon. “Ngayon pa lang […]
-
3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE
TATLONG ospital sa National Capital Region (NCR) ang tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna. Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital kabilang ang UP-Philippine General Hospital, Lung center of the Philippines at Dr. Jose Memorial […]
-
NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA
NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes. Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX. Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]