• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, hindi madadamay sa Senate probe sa Pharmally – Roque

KUMPIYANSA ang Malakanyang na hindi madadamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa ginawang pagbili ng gobyerno sa P8 bilyong halaga ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

“Absolutely not. Wala naman po silang ebidensya na nakukuhang may overpriced,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung ang imbestigasyon ay patungo sa pagdamay kay Pangulong Duterte.

 

“Anong maili-link kay Presidente? Ingay lang po. Desperado manalo sa eleksiyon,”dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Inamin ni Pharmally director Linconn Ong sa Senate probe na ang kompanya ay nangutang mula kay Michael Yang, dating economic affairs adviser ni Pangulong Duterte.

 

Noong nakaraang linggo, inamin din ni Pharmally official Krizle Mago na ang pinapakialaman ng mga empleyado ng Pharmally ang expiry dates ng face shield para sa health workers na binili sa kanila ng gobyerno.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang pag-amin ay hindi sapat para patunayan na ang ginawang pagbili ng pamahalaan ng medical supplies mula sa Pharmally ay irregular.

 

“This needs to be substantiated with physical evidence,” ani Sec. Roque sabay sabing “talk is cheap.”

 

Gayunman, hindi naman sinabi ni Sec. Roque kung magsasagawa ng imbesigasyon ang Justice department.

 

“It is up for them (Department of Justice) to decide,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, bago pa umamin si Mago, isang unidentified Pharmally warehouse worker ang nag-testify sa Senate blue ribbon committee na pinapalitan nila ang expiry dates ng face shields base sa utos ni Mago.

 

At nang tanungin ni Senador Richard Gordon “if that was the case and if Pharmally is swindling the government, ang sagot ni Mago ay “I believe so that is the case, Mr. Chair.”

 

Ani Mago, tumanggap lamang siya ng utos mula kay Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani, subalit mariing itinanggi naman ng huli ang nasabin alegasyon.

 

Samantala, sinabi ni Sec. Roque na patuloy na ipagtatanggol ng Pangulo ang legalidad ng Pharmally purchases sa kanyang regular Talk to the People address.

 

“The President will continue to answer these matters as a matter of discourse between two independent branches of government. Hindi masama ito,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw

    ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.     Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng […]

  • Bading natagpuang tadtad ng saksak

    DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang […]

  • From the Creative Team of “Bohemian Rhapsody” Comes “Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody”

    EXPERIENCE the voice you know and discover the story you haven’t heard in Columbia Pictures’ Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody, a powerful and triumphant celebration of the incomparable Whitney Houston     “We sought to make Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody a rich, beautiful, moving, and very human tribute to a great talent […]