• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, hindi na dadalo sa ceremonial turn-over ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pinas

HINDI na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ceremonial turnover ng iba pang Covid-19 vaccine brands sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa pagdating ng Sinovac-made “CoronaVac” vaccines ng China na binili ng gobyerno ng Pilipinas noong Marso 29 ang huling magiging pagdalo nito.

 

 

“Sinabi po ni Presidente na iyong huling pagdating ng Sinovac eh baka iyon na rin po iyong huli niyang pagsalubong sa mga bakuna bagama’t inaasahan natin na sunud-sunod na po ang pagdating ng mga bakuna,” ayon kay Sec. Roque.

 

 

Ang paliwanag ni Sec. Roque, hindi na kailangan na magpakita pa ng personal ni Pangulong Duterte para lamang i-welcome ang pagdating ng iba pang vaccine brands lalo pa’t asahan na ang sunud-sunod at mas marami pang bakuna ang darating sa bansa sa gitna ng pagsisikap na palakasin ang produksyon.

 

 

“Matter of course na marami nang bakunang darating ‘no as supplies ease up worldwide ‘no. So iyon lang po ‘yun, hindi na siya physically na pupunta sa airport para salubungin iyong mga bakuna ,” anito.

 

 

Tiniyak naman ni Sec. Roque na mananatili namang malusog ang Chief Executive sa edad nitong 76 taong gulang.

 

 

“He retains to have a very active calendar and he continues to discharge the functions of the presidency at the time of the pandemic,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na patuloy na dumadalo an Pangulo sa mga public events sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may mababang Covid-19 infections.

 

 

Kumpiyansa aniya ang Punong Ehekutibo na isulong ang public engagements sa gitna ng pandemiya dahil sinisiguro aniya ng Presidential Security Group (PSG) at Presidential Management Staff (MPS) na masusunod ang mahigpit na health protocols. (Daris Jose)

Other News
  • MIND-BLOWING ACTION, KILIG LOVE STORY, SEXY BACON… FIND OUT WHY “THE FALL GUY,” STARRING RYAN GOSLING AND EMILY BLUNT, IS A MOVIE EVENT YOU SHOULDN’T MISS

    Epic. Mysterious. Romantic. Comedic gold. Get excited because “The Fall Guy” has everything. Directed by David Leitch (“Bullet Train,” “Deadpool 2,” “Atomic Blonde,” “Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw”), the Ryan Gosling-Emily Blunt starrer opens only in cinemas May 1.     Find out what we mean by everything: https://www.facebook.com/watch/?v=329089309754364     In “The Fall Guy,” […]

  • After magwagi sa New York Festivals TV & Film Awards: ‘The Atom Araullo Specials’, nag-uuwi ng Silver Dolphin Trophy sa Cannes Awards

    ANG multi-awarded bi-monthly documentary program ng GMA Public Affairs na ‘The Atom Araullo Specials’ ay nakakuha ng isa pang malaking parangal para sa Network sa pamamagitan ng “The Atom Araullo Specials: Hingang Malalim” na nag-uuwi ng Silver Dolphin Trophy sa Cannes Corporate Media and TV Awards sa France.   Unang ipinalabas noong 2023, ang “The […]

  • Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT

    NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).     “Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores […]