PDu30, hindi personal na dadalo sa ASEAN summit sa Jakarta
- Published on April 24, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na hindi personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa summit ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) countries sa Jakarta ngayong linggo.
“Ang Presidente po, hindi personally mag-a-attend. But I’m sure, that our Department of Foreign Affairs will be there,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Hindi naman binanggit ni Sec. Roque kung bakit at anong dahilan.
Sa kabilang dako, nakatakda namang pumunta si United Nations special envoy Christine Schraner Burgener sa Jakarta para makipagkita sa mga senior members ng Southeast Asian governments na naghahanap ng daan para tapusin na ang pagdanak ng dugo at ibalik ang katatagan ng Myanmar.
Sa idinaos na closed-door meeting ng Security Council noong Abril 1, nagbabala si Burgener na kung ang “collective action” ay hindi nagawa ng international community para baligtarin ang kudeta ay hindi malayong nalalapit na ang “bloodbath.”
“Myanmar’s army seized power from the democratically elected civilian government on Feb.1, plunging the Southeast Asian nation into turmoil and cracking down on mass protests and a nationwide civil disobedience movement with brutal force, killing more than 700 people, a monitoring ayon sa ulat.
Samantala, dahil sa krisis, huminto ang banking system, nagsara ang maraming sangay, naiwan ang mga negosyo na hindi makapagbayad habang ang mga customers naman ay hindi makapag-withdraw ng cash.
Samantala, nananawagan naman ang gobyerno ng Pilipinas na palayain si Myanmar’s detained leader Aung San Suu Kyi. (Daris Jose)
-
DSWD tatapusin ang bigayan ng ayuda sa mga rice retailers sa Sept. 14
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad na matapos ang pamamahagi ng cash grants para sa mga rice retailers. Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na layon ng gobyerno na tapusin ang distribusyon ng P15,000 cash grants sa mga rice retailers […]
-
98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan
INIULAT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang weekend. Ang 98,092 benepisaryo ng AICS ay bahagi ng 322,689 […]
-
LTFRB: Muling pinagpatuloy libreng sakay sa mga PUVs
Pinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na muling pinagpatuloy ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga frontliners at medical workers na sasakay sa mga PUVs dahil sa tuloy na ulit ang programa sa service contracting (SCP) ng pamahalaan. Mayron P3 billion na alokasyong pondo sa 2021 General Appropriations […]