PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang petty graft ay “perpetuated almost everywhere” ng ilang corrupt employees sa gobyerno.
“Iyong mga nasa window ng business permit, ‘yang mga clearances, papahirapan ang tao kaya ang sabi ko sa inyo, if you want to earn money, good money, ‘pag maganda ang kaso, malaki ang lugi sa gobyerno, report it to the person that you trust without giving your name and number,” ayon kay Pangulong Duterte.
“Ang hinihingi ko lang ang opisina at kung magkano, ako na ang mag-follow-up at tsaka ‘yong medyo maliliit, P10,000,” dagdag na pahayag nito.
Binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang mga mamamayan na tigilan ang corrupt practices sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Huminto talaga kayo maski ngayon lang. Next administration, fine, balik kayo sa dati, wala akong pakialam pero sa ngayon, ‘wag kayo maghinanakit, ‘wag kayo magalit sa akin kasi ako galit din sa inyo,” anito.
Sa kabilang dako, binasa naman ni Pangulong Duterte ang ilang pangalan mula sa listahan na sinibak at nahaharap sa kasong administratibo dahil sa maling gawain.
Subalit binigyang diin nito na isisiwalat niya ang pangalan ng mga ito sa susunod na linggo.
Bagama’t naisapubliko ang ilang pangalan ng mga kurakot na opisyal at empleyado ay tikom naman ang bibig ng Pangulo sa pangalan ng mga kongresista na sangkot sa corrupt practices na may kinalaman sa proyekto sa kani-kanilang distrito.
Aniya, hindi niya papangalanan ang mga ito dahil nabibilang ang mga ito sa “co-equal branch” ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA
PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]
-
Bicam report sa extended producer responsibility sa plastic products, niratipikahan
NIRATIPIKAHAN ng Kamara ang bicameral conference committee report kaugnay sa magkakaibang probisyon ng extended producer responsibility sa mga produktong gawa sa plastic. Ang magkakaibang probisyon ay nakapaloob sa House Bill 10696 at Senate Bill 2425 o panukalang “Extended Producer Responsibility Act of 2022,” amending for the purpose Republic Act 9003 o ang […]
-
Wala raw political color or motives ang life story: CLAUDINE, puring-puri ni IMELDA sa pagganap sa kanyang biopic
PINURI ni Imelda Papin si Claudine Barretto sa pagganap nito sa kanyang film bio na ‘Imelda Papin: The Untold Story.’ “The best talaga sa akin si Claudine Barretto. She’s not just a big star, but also a best actress. Claudine was the best choice to play me in the movie. I like to […]