PDU30, hiniling sa PhilHealth na bayaran na ang bilyon pisong halaga ng utang sa ilang ospital
- Published on August 14, 2021
- by @peoplesbalita
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa PhilHealth na bayaran na ang bilyong pisong halaga ng unpaid hospital claims sa lalong madaling panahon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“Kinakailangan na pong bayaran iyang pagkakautang na ‘yan. Ang panawagan po ng Presidente kay [PhilHealth director Dante] Gierran ay dapat bayaran ‘yan sa lalong mabilis na panahon,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
“We need to see results now,” dagdag na pahayag nito.
Giit ni Sec.Roque, kailangan na kaagad na magbayad ang PhilHealth lalo pa’t limitado ang bilang ng mga ospital sa bansa.
“If these remain unsettled, private hospitals won’t be able to treat patients and we will not have public hospitals,” anito.
Noong nakaraang linggo, sinabi ng PhilHealth na nagdo-doube time na sila sa pagta-trabaho para tugunan ang P25 bilyong halaga ng “unpaid claims” ng ilang ospital sa pamamagitan ng “through constant dialogues and reconciliation of figures with hospital representatives at the regional level.”
Tinukoy ang kanilang record, sinabi ng PhilHealth na nakapagbayad na sila ng P166 billion para sa ilang 13.6 million claims, o 76.4% ng humigit-kumulang na 18 million claims na natanggap mula sa accredited government at private hospitals sa bansa mula 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.
-
Pinoy ice skater Michael Martinez sinimulan na ang fundraising activities para sa pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics
Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22. Sa kanyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US. Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na […]
-
DBM, P29.5-B aid ang naipalabas na sa mga ahensiya sa loob ng ‘100 days’ ni PBBM
UMABOT na sa P29.5 bilyong halaga ng tulong ang naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) para sa iba’t ibang benepisaryo sa loob ng ‘100 days’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’ sa tanggapan. Ang iba’t ibang klase ng tulong ay kinabibilangan ng suporta para sa mga magsasaka na apektado ng Rice […]
-
Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO
FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]