PDu30, ikakampanya ang mga kapartidong tatakbo sa Eleksyon 2022
- Published on July 19, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ikakampanya niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na tatakbo sa Eleksyon 2022.
Sinabi pa nito na magdadala rin siya ng pera habang nagsasagawa ng pangangampanya.
Ang pangakong ito ni Pangulong Duterte ay matapos na pamunuan ang panunumpa ng mga bagong PDP-Laban officials sa isang miting na idinaos sa Clark, Pampanga na nagluklok kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang President ng ruling party at nagpatalsik naman kay Senador Manny Pacquiao.
“Those running for reelection, ikampanya ko kayo. Kayong mga tatakbo, city for city, province for province, ikakampanya ko kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.
Samantala, ang mga dumalo naman na PDP-Laban members sa nasabing miting ay nagkaisang nanawagan kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections, at hahayaan itong pumili ng kanyang running mate.
Gayunman, hindi naman kinikilala ng PDP-Laban faction na pimamumunuan ni Pacquiao ang nasabing pulong. (Daris Jose)
-
Mga laro sa NBA posibleng magbalik pagkatapos ng 1-2 araw
Posibleng maibalik ang mga laro sa NBA sa Sabado at Linggo ang mga laro sa NBA. Sinabi ni NBA executive vice President Mike Bass, na ito ay matapos ang pagkansela ng mga laro nitong Huwebes at Biyernes. Magpupulong pa aniya ang kanilang NBA board para sa nasabing desisyon. Magugunitang nakansela ang mga […]
-
Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan at palakasin ang national security.” Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]
-
Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque
NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw. “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang porsyentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]