• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon.

 

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa.

 

“Kung mayroon mang nagkasala diyan, aaminin ko na lang kasi wala rin naman akong magawa. Gusto kong bumili, wala naman akong mabilhan,” ayon sa Pangulo.

 

“Kung makipag-contest ako doon sa mga mayaman na bilihan ng bakuna eh talagang huli ako,” dagdag na pahayag nito sabay sabing, “Kung kasalanan man ‘yan, eh walang iba diyan kundi ako na. Aaminin ko na ‘yan. Ako ang nakaupo ngayon sa opisina ko so somebody has to.”

 

Itinuro naman ng Malakanyang sa vaccine inequality sa pagitan ng mga mayayaman at developing countries ang dahilan kung bakit nabansagan ang Pilipinas COVID-19 Resilience Ranking Report ng Bloomberg bilang “worst place” mula sa 53 mga bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Ang ranking ay batay sa kalidad ng healthcare, vaccination coverage, masidhing pagpapatupad ng lockdowns at restrictions, progreso ng restarting travel at pagpapaluwag sa pinahigpit na border at iba pa.

 

“We are not surprised that the Philippines, together with other Southeast Asian countries such as Indonesia, Thailand, Malaysia and Vietnam are at the bottom of the list while countries which topped the list are developed countries such as Ireland, Spain, Netherlands, Finland and Denmark,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Vaccines are key towards defeating COVID -19. Unfortunately, as President Rodrigo Roa Duterte articulated in the United Nations, rich countries hoard life-saving vaccines, while poor nations wait for trickles. The Philippines is a classic case in point,“ dagdag na pahayag nito.

 

Maraming chief executive officers naman sa bansa ang nagpahayag ng pagka-dismaya sa vaccination rollout at mayorya ay naniniwala na maaantala ang pagsusulong ng economic recovery,” ayon naman sa resulta ng isang survey.

 

Ipinakita kasi sa resulta ng 2021 CEO Survey of PricewaterhouseCoopers (PwC) Philippines and the Management Association of the Philippines (MAP) na 66% ng naging sagot ng mga CEOs sa bansa ay “negatibo” an sagot kung satisfied sila sa rollout.

 

“The study indicated that the Philippines lagged behind its regional peers with a 12.9% vaccination rate as of September 3 versus Singapore’s 75.3%, Japan’s 47.3%, Malaysia’s 47.1%, Hong Kong’s 46.4%, and Indonesia’s 13.4%,” ayon sa ulat.

 

Gayunman, sinabi ni Pangulong Duterte, na ang vaccination program ay nag- improve na.

 

Matatandaang sinabi nii Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng ng pamahalaan na makamit ang herd immunity na  90% bago ang Eleksyon 2022.

 

“Ang strategic program natin is because of Delta, we have upgraded our threshold to 90% and considering, we have factors of elections, we have to finish that before elections which is February (2022),” ayon kay Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-IBIG Fund, ipinagpaliban ang 2023 contribution hike

    IPINAGPALIBAN ng Pag-IBIG Fund ang ikakasa na sanang monthly contribution hike para sa mga miyembro nito ngayong taon.     Ito’y matapos na opisyal na  aprubahan ng  Pag-IBIG Fund Board of Trustees  ang pagpapaliban sa  contribution hike na ikakasa na sana ng ahensiya para ngayong taon.     Ang dahilan, patuloy pa ring bumabawi ang […]

  • Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela

    INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.     Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng […]

  • Ads May 10, 2024