PDU30, inakusahan ang Philippine Red Cross na “sablay” sa pagsasagawa ng COVID tests
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
PINARATANGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Philippine Red Cross na sablay sa pagsasagawa ng COVID-19 tests sa bansa dahil sa makailang ulit na pagkakamali na pagbibigay ng resulta nito.
Sa Talk to the People, araw ng Lunes ay isiniwalat ng Pangulo ang 44 hospital personnel, na nadeklarang COVID-19 positive ng Philippine Red Cross matapos ma-swab test, subalit naging “false positives” naman matapos na sumailalim sa confirmatory tests sa ibang molecular laboratory.
HIndi naman binanggit ng Pangulo kung saang medical institution nagta-trabaho ang mga nasabing frontliners.
Binanggit din ng Chief Executive ang isa pang report kung saan ay mayroong mahigit na 200 personnel ng Presidential Security Group at Department of Finance ang na-diagnosed ng Red Cross na positibo sa Covid 19 subalit nag-negatibo naman matapos ang confirmatory tests.
Dahil dito, muling winakwak ng Pangulo si Sen. Richard “Dick” Gordon, chair ng Philippine Red Cross, dahil sa reports ng COVID-19 tests ng organisasyon.
“Ang mahirap nito Dick, paano ‘yung mga tao na tumanggap na lang sa PCR test ninyo na positive sila, when all along, negative sila. But because walang pera . . . The meek, unassertive ones pasunod-sunod na lang and had to endure a confinement of two weeks. When all along, tested negative pala sila,” ayon sa Pangulo.
“‘Yan ang problema mo sa Red Cross. Problema ka na, problema pa ang Red Cross sa iyo,” dagdag na pahayag nito.
Kaya, dapat lamang na imbestigahan ng Department of Health ang reports ng Red Cross sa kanilang COVID-19 tests.
“Ilan ‘yung nadagdag dun sa nagpositive sa isang araw … na negative. Nasali na dun sa numero na napakarami … how sure are we now in our figures?” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
DILG gusto mailagay buong Pilipinas sa Alert Level 1
IMINUMUNGKAHI ngayon ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) na ilagay sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions ang Pilipinas para lalong makabawi ang ekonomiya sa epekto ng lagpas dalawang taong pandemya. Marso 2020 pa nang magsimulang magpatupad ng mga restrictions ang gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang lockdowns at limitasyon sa mga […]
-
SHARKBOY AND LAVAGIRL ARE BACK WITH THE UPCOMING FILM ‘WE CAN BE HEROES’
THE iconic superheroes Sharkboy and Lavagirl are back! After the fifteen years that passed since we last saw them, the two imaginary superheroes have turned into parents! Netflix has just revealed first-look photos of their super-family in the upcoming film We Can Be Heroes. It is a spinoff to the 2005 film The […]
-
Pagunsan, Delos Santos Que lalagare pa sa JPG
SAMA-SAMANG humataw sina Juvic Pagunsan, Angelo at at Justin Delos Santos sa pagsambulat ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture nitong Huwebes, Abril 29. Makikipagrambulan ang tatlong bala ng ‘Pinas sa titulo kaharap ang 102 […]