• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inakusahan ang UP ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista

INAKUSAHAN ni Pangulong  Rodrigo  Roa Duterte ang University of the Philippines (UP) ng pagre-recruit ng mga kabataan para isama sa grupong komunista.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay reaksyon sa panawagan na  academic strike ng mga estudyante ng  Ateneo de Manila University (ADMU).

 

“‘Yung mga eskwelahan, UP, fine. Maghinto kayo ng aral, I will stop the funding. Wala nang ginawa itong ano kundi mag-recruit ng mga komunista diyan,” ang pahayag ng Pangulo sa kanyang public address, Martes ng gabi.

 

Gayunman, ang  mga  Ateneans at hindi ang mga  UP students ang nanguna na manawagan ng academic strike bilang pagprotesta sa  “criminally neglectful” ng pamahalaan pagdating sa typhoon at pandemic response.

 

Sa kalatas ng grupo ng mga estudyante sa ADMU ay nakasaad dito na  nangangako silang  iwi-withhold ang pagsusumite ng kahit na anumang school requirements simula kahapon Miyerkules, Nobyembre 18.

 

“You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry, that is the worry of government,” ayon sa Pangulo.

 

“I suggest to you, stop schooling until mabakunahan lahat ng Pilipino. You resume your duty and you wait for another typhoon and see if the help that we extend is enough to your satisfaction,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Pinabulaanan naman ng UP Los Baños, ang  “propaganda” video na nagdadawit sa kanilang mga estudyante sa communist organizations. (Daris Jose)

Other News
  • Babaeng dalaw sa kulungan, buking sa droga na itinago sa ari

    HINDI na nakalabas ng kulungan ang isang babaeng dadalaw lang sana sa nakakulong niyang kinakasama matapos mabisto ng babaeng jail officer ang shabu na itinago niya sa kanyang maselang parte ng katawan sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan City Jail (CCJ) Warden J/Supt. Jerome Verbo, alas-3:30 ng hapon nang dumating ang suspek na […]

  • Ads September 9, 2023

  • Kamara iraratsada debate sa P6.352 trilyong budget

    INUMPISAHAN na nitong Lunes sa plenaryo ng Kamara ang pagtalakay sa P6.352 trilyong national budget para sa 2025.   Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pondo ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.   Pinasalamatan ni Romualdez sina House Committee on Appropriations Chairman at Ako […]