PDu30, inamin na sinadya na hindi magpakita sa publiko ng 2 linggo
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
MULING kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko matapos na hindi siya magpakita ng dalawang linggo sa publiko.
Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na sinadya na mawala ng ilang araw.
“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana,” anito.
Aniya pa, ang kanyang hometown ay ang Davao City at malaya siyang umuwi anumang oras na kanyang gustuhin.
Binigyan diin ng Pangulo na hindi siya kailangan gumamit ng public funds para sa kanyang pagbyahe.
Sinagot din ng Pangulo ang mga banat sa kanya matapos na magpalabas ng larawan at video si Senador Christopher “Bong” Go kung saan siya ay nag-jogging, nag-golf, at nag-motorbike-riding para itama ang chismis ukol sa kanyang kalusugan.
Giit ng Punong Ehekutibo, walang masama at mali sa page-enjoy sa kanyang hobby sa ‘wee hours of the day’, lalo na’t hindi naman niya kinukuha ang oras ng sambayanang Filipino.
“Pero kung sabihin mo na may sakit ako ngayon to prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa. The problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Gabi ‘yun, ano ba naman. Sa araw makita mo ako nag-golf…sabihin may problema,” anito.
“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.
Nauna rito, pinalagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ulat na may sakit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya’t hindi ito nakita ng publiko ng dalawang linggo.
Binasura rin ni Sec. Roque ang panawagan na ipalabas ang medical bulletin ng Pangulo.
“Ang (a) medical bulletin is only given when the President is sick; and he is not sick,” ayon kay Sec.Roque.
Nananatili aniyang “fit at healthy” ang Pangulo sa kanyang edad na 76.
Sinabi pa ni Sec.Roque na ginawa ni Pangulong Duterte ang lahat ng kanyang desisyon nitong weekend hinggil sa quarantine status ng Metro Manila at iba pang lugar.
Siya rin ang nag -“supervised” ng COVID-19 vaccine rollout.
“Ang assumption n’yo po, kinakailangan magpakita para patunay na nagtatrabaho ang Presidente. Hindi po ganoon ang istilo ng ating President,” anito.
“Hindi na po niya kinakailangan ipagmayabang sa publiko na siya ay nagtatrabaho. Ang taumbayan naman ay naniniwala naman na on top of the situation ang President, even if hindi niya pinangangalandakan ito sa taongbayan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Samantala, binuweltahan naman ni Sec. Roque ang mga kritisismo na ang Pangulo sa mga nakalipas na araw ay nagpakita ng proof of life subalit wala namang proof of work; marami ang napapaulat na namamatay dahil sa Covid subalit ang Pangulo ay nakikitang nagmo-motor at naggo-golf.
“Alam ninyo po ang Presidente walang iniisip kung hindi iyong mga problema ng bayan. So may mga iba kasi nagpapakita lang ‘pag sila’y nagtatrabaho, iyong mga para lang mapakita purposes ‘no. Pero alam naman natin ang Presidente natin 24 hours, 24/7 ang kaniyang pag-iisip ay nasa bayan po,” anito. (Daris Jose)
-
DIRECTOR MICHAEL CHAVES INVITES FANS TO “THE NUN II” AS HORROR FILM GEARS UP FOR MIDNIGHT SCREENINGS SEPT 6
IN a newly released video, “The Nun II” director Michael Chaves shares that this year marks the tenth anniversary of the “The Conjuring” Universe, adding that “The Nun’s” demonic Valak is hands-down his most favorite movie monster of all. He then proceeds to invite all horror fans to watch “The Nun II.” […]
-
PALAWAN, BAHAGI NG PILIPINAS- DR. GOITIA
NANINDIGAN ang Chairman Emeritus ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER) na maituturing na paglapastagan sa soberanya ng Pilipinas ang pangangamkam ng Tsina sa Palawan na maituturing na bahagi ng Pilipinas batay sa pandaigdigang batas na pinapairal sa ilalim ng International Maritime Law o Law of the Sea. “Importante sa bawat Pilipino ang katapatan […]
-
Nagluluksa ang mga Pinoy sa pagpanaw ng Superstar at National Artist:NORA, nakatakdang gawaran ng ’State necrological services and funeral’
IPINAGLUKSA ng mga Pinoy ang pagpanaw ng nag-iisang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong Miyerkoles Santo, ika-16 ng Abril, sa edad na 71.Ipinanganak si Ate Guy na ang buong pangolin ay Nora Cabaltera Villamayor sa Iriga City noong May 21, 1953.Ikinagulat nga ng lahat nang kumpirmahin ito […]