• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, inanunsyo na ang pagreretiro sa pulitika

INANUNSYO na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.

 

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay isinagawa ilang minuto matapos maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Senador Bong Go.

 

“In obedience to the will of the people who after all placed me in the presidency many years ago I now say sa mga kababayan ko sundin ko ang gusto ninyo and today I announce my retirement from politics,” ayon sa Pangulo.

 

Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng “goodluck” ang Pangulo kay Go.

 

“First of all, i’d like to wish Senator Bong Go all the best and goodluck in his quest for the vice presidency,” aniya pa rin.

 

Opisyal nang naghain si Senator Bong Go ng kanyang certificate of candidacy para sa kanyang vice presidential bid sa Eleksyon 2022.

 

Kasama ni Go si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Naghain ng kanyang COC ang senador bilang vice presidential aspirant ng PDP-Laban.

 

Bago pa ito, taimtim na nagdasal si Go sa Simbahan ng San Miguel at mga Arkanghel.

 

Samantala, sinabi ng Malakanyang na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi na nito hinahangad na maupo pa sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

 

Inanunsyo na kasi ni Pangulong Duterte ang kanyang pagreretiro sa pulitika.

 

“President Rodrigo Roa Duterte has clearly spoken: He will no longer aspire for the second highest post in the land, bowing to the will of the people, as reflected in the June 2021 Social Weather Stations (SWS) survey which showed contrary opinion for PRRD’s running for the Vice Presidency,” ang paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Aniya pa, ilalaan na lamang ng Pangulo ang natitira nitong termino sa paggabay sa bansa tungo sa post-COVID-19 recovery.

 

Bukod dito, para tiyakin ang pamana ng kanyang progama at proyekto at pagpapatuloy ng kanyang reform initiatives, ang Pangulo ay nagpahayag na siya ay “pro-actively campaign” para sa kanyang mga kandidato at siguruhin na ang pagdaraos ng 2022 elections ay magiging malaya, tapat, mapayapa at kapani-paniwala. (Daris Jose)

Other News
  • Maapektuhan kaya ang mga kontrata at endorsements nila?: JERALDINE, inaming hiwalay na sila ni JOSH at co-parenting kina NIMO at JETTE

    NAGULAT talaga kami sa bagong Instagram video na ipinost ni Jeraldine Blackman.  Umaasa kami na sana ay “prank” lang ito, pero hanggang dulo, umiiyak ito at walang “It’s a prank!” na litanya. Nakahihinayang dahil ang minahal ng hindi lang mga Pinoy, maging ibang lahi na The Blackman family ay hindi na buo bilang isang pamilya. Inamin […]

  • Hindi pa rin lusot ang mga board members dahil magkakaroon ng hiwalay na asunto laban sa mga ito

    INAPRUBAHAN na ng House Committees on Public Accounts at Good Government and Public Accountability ang committee report ng ginawang imbestigasyon patungkol sa isyu ng graft and corruption sa PhilHealth.   Ayon kay Public Accounts Chairman Mike Defensor, aprubado na ang committee report “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas […]

  • Kalidad ng buhay ng 39% ng mga pinoy, bumuti sa nakalipas na 12 buwan- SWS

    NANINIWALA ang 39% ng mga adult Filipino na bumuti ang kalidad ng kanilang buhay sa nakalipas na taon.     Ito’y base sa resulta ng kamakailan na survey ng Social Weather Stations (SWS).   Makikita sa survey na ginawa mula June 23-July 1, 2024, na 23% ng mga respondents ang nagsabi na ang kalidad ng […]