• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inaprubahan ng fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa ASF outbreaks

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “fourfold increase” ang importasyon ng baboy para idagdag sa kakulangan ng local supply dahil sa African swine fever outbreaks.

 

Ito’y base sa dokumento na ipinalabas ng Malakanyang.

 

“Fatal to hogs but not to humans, the ASF has spread to 437 municipalities and reduced the country’s swine inventory by 3 million heads or 24.1 percent from last year to 2021,” ang naging pahayag ni Duterte sa ipinalabas nitong Executive Order 133.

 

Ang kakulangan ng baboy ngayong taon ay umaabot sa 388,790 metric tons (MT).

 

Sinabi ng Pangulo na hindi man lamang kumilos ang Kongreso sa kanyang naging kahilingan na taasan ang minimum access volume (MAV) ng karne ng baboy na tumutukoy sa dami ng agricultural product na maaaring angkatin sa mababang taripa.

 

“It is imperative to immediately address the current supply gap in pork meat, to provide consumers with adequate and affordable food, and to lower inflation,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tinaasan ang Minimum Access Volume o MAV ng karne ng baboy. (Daris Jose)

Other News
  • SWAB TESTING COMPANY SA NAIA NA GRABENG MANINGIL DAPAT MAPAALIS SA PALIPARAN -MALAKANYANG

    KINAKAILANGAN na mapaalis ang swab testing company sa airport na sobra ang hinihinging singil sa mga indibidwal na nagpapa rt- PCR test sa kanila.   Tugon ito ni Presidential spokesperson Harry Roque sa harap ng impormasyon na isinawalat ni Senador Richard Gordon na ilang swab testing firms ang naniningil ng beinte mil kada swab test. […]

  • Ads December 28, 2022

  • CINDY, kinikilig nang sobra na masabihang ‘prime actress’ na ng Viva at makasama ang magagaling na artista

    FASTEN your seat belt at I-ready na ang GPS dahil parating na ang Reroute sa Vivamax ngayong January 21, 2022.     Isa na namang sexy-suspense thriller ang masasaksihan sa iba’t-ibang panig ng mundo na pinagbibidahan ng ilan sa mga pinakamahuhusay na mga aktor sa Pilipinas, sa pangunguna ng Venice Film Festival Best Actor na […]