PDu30, inatake ang Senado sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
MULING inatake ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate blue ribbon committee sa gitna ng isinasagawa nitong imbestigasyon hinggil sa multibilyong pisong halaga ng COVID-19 pandemic na binili ng Pilipinas.
Sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules, muling kinastigo ni Pangulong Duterte si Senator Richard Gordon, chairman ng nasabing komite at tinawag pa niya itong “adversarial.”
“You cannot tell the truth in the Senate. Gordon is adversarial. Tingin sa ‘yo, kalaban ka,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, kapuwa umaakto si Gordon bilang judge at prosecutor.
“Anong totoo ang lalabas diyan,” ani Pangulong Duterte.
Para sa Punong Ehekutibo, ang Senate inquiry ay isang uri ng pamumulitika.
“Did you see a good law that was able to help the country? What they are doing is politicking,” anito.
“We have done so much that the fight cannot be done based on merit,” ayon sa Chief Executive.
Kahapon ay nag-isyu na ang Senado ng warrant of arrest laban kina dating presidential economic adviser Michael Yang at limang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Kinumpirma ito ni Senate President Vicente Sotto III at ipinakita pa sa mga Senate reporter ang kopya ng nilagdaan nitong warrant of arrest laban kina Yang at limang opisyal ng Pharmally.
Ang Pharmally ang nakakuha ng P8.6 bilyong kontrata sa gobyerno para sa suplay ng personal protective equipment (PPE), face mask at face shield noong 20220.
Bukod kay yang ang mga sumusunod ng opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation executives na inisyuhan ng arrest warrant ay sina: Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Linconn Ong, Krizle Grace Mago at Justine Garado.
Una rito, na-cited for contempt gn Senate blue ribbon committee sina Yang at limang opisyal ng Pharmally at inirekomendang isyuhan ng arrest warrant dahil sa pagtangging humarap sa pagdinig ng Senado sa pagbili ng gobyerno sa diumano’y overpriced na COVID-19 equipment. (Daris Jose)
-
200K National IDs ipinamahagi na
Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon […]
-
Nag-ambag na ng P800 million ang pribadong sector pambili ng COVID-19 vaccines
Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Lance Gokongwei ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department […]
-
SU-PAW-STAR CAMEO POSTERS FOR “PAW PATROL: THE MIGHTY MOVIE” RELEASED. PLUS, WATCH THE LYRIC VIDEO OF “DOWN LIKE THAT”
WHOSE cameo are you most excited to see in PAW Patrol: The Mighty Movie? Check out these su-PAW-star posters! Speaking of su-PAW-stars, this new Bryson Tiller song has our tails wagging! Watch the new “Down Like That” lyric video from PAW Patrol: The Mighty Movie! https://youtu.be/U2mh_LwVf24 About PAW Patrol: The Mighty Movie Paramount Pictures […]