PDU30, inatasan si SolGen Calida na magsumite na ng request letter sa COA para i-audit ang PRC
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Solicitor General Jose Calida na kaagad na maghain ng request letter sa Commission on Audit (COA) para agad na masimulan ang pagbulatlat sa financial records ng Philippine Red Cross (PRC).
“The next step would really be the letter to be delivered to the COA by Solicitor General Calida regarding my request to audit the Red Cross,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na ang pondong ibinayad ng pamahalaan sa PRC para sa pagsasagawa ng COVID-19 tests ay “subject” sa COA audit.
Sinang-ayunan naman ni COA chair Aguinaldo ang naging pahayag na ito ng Pangulo.
Sa pamamagitan ng isang video clip, sinabi rin ni Aguinaldo na kailanman ay walang sinabi ang COA na nagkaroon ng overpricing at ghost deliveries sa medical supplies na syang ipinagpipilitan ng mga senador partikular na ni Philippine Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon.
Sa kabilang banda, sinabi ng Pangulo na masaya na rin siya sa isinasagawa ngayong pagdinig ng Kongreso para mailabas ang buong katotohanan.
Naniniwala naman ang Chief executive, in aid of legislation at hindi in aid of election ang gumugulong ngayon na imbestigasyon sa kongreso.
Samantala, tinawag ni Pangulong Duterte na pathological storyteller si Gordon dahil wala itong ginawa kundi dumaldal ng dumaldal sa senate inquiry dahilan kayat hindi na nakakapagsalita at nakakapagpaliwanag ng maayos ang mga inimbitahan nitong resource persons.
“Susmaryosep Gordon hindi mo ako matakot not in a million years. Hindi ako kawatan kagaya mo. Wala akong Red Cross na ginagatasan araw-araw. It’s not my style,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Magpi-premiere ang six movies sa Nagoya: Direk NJEL, patok sa box-office sa international film festival sa Japan
SA Nagoya ang isa sa may pinaka-maraming Pilipino sa Japan, kaya naman isinali ng award-winning director na si Direk Njel de Mesa ang kanyang pelikula sa Jinseo Arigato International Film Festival. Pero nagulat pa rin si Direk Njel nang pagkakaguluhan ang kanyang mga obra doon. “Tila nagustuhan ng mga Pilipino at Nihonjin ang […]
-
SUPPLIER NG PARTY DRUGS NATIMBOG NG PDEA AT
HULI ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa umanong supplier ng party drug na ecstacy. January 13, 2021 nang ikasa ang operasyon laban sa suspek na si Jhun Cabaya alias SkyHigh 33 years old na mula sa Manggahan, Pasig. Dakong alas 5:20pm nang matimbog si alyas SkyHigh ng […]
-
Two years nang kasal kaya sinusubukan na: DEREK, inaming excited na sila ni ELLEN na magka-anak
INAMIN ni Derek Ramsay na excited na sila ni Ellen Adarna na magkaroon ng anak. Pareho silang may anak sa dati nilang karelasyon; nineteen years year old na si Austin na anak ni Derek sa dati niyang asawa na si Christine Jolly at five years old naman si Elias Modesto na anak nina Ellen at […]