• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, ipinagmalaki na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga durugista

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga drug users o durugista sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

Iyon ay sa kabila ng kanyang pag-amin na nananatili ang Pilipinas “in the thick of the fight against shabu.”

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay muling binigyang diin nito ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

 

Tinukoy nito ang kamakailan lamang na report ng Dangerous Drugs Board, Duterte kung saan ay pumalo sa 1.67 milyong Filipino na may edad na 10 hanggang 69 ang kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga.

 

“In the past, ‘yung panahon nina [Ronald] Dela Rosa umabot na ng almost 4 million and how much has been reduced in the use of shabu, I really do not know until now, but we are still in the thick of the fight against shabu,” ayon sa Chief Executive.

 

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Human Rights Watch na ang drug war killings ay tumaas ng 50 percent kahit na nasa gitna ng coronavirus pandemic.

 

Inulit naman ng Punong Ehekutibo ang posisyon nito na handa niyang panagutan ang pagdanak ng dugo dahil sa drug war sa ilalim ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

 

“You can hold me responsible for anything, any death that has occurred in the execution of the drug war, pero ‘wag ninyo akong bintangan diyan sa patayan na hindi ninyo alam kung sino ang pumatay,” ayon sa Pangulo. Itinanggi naman nito na sangkot siya vigilante killings.

 

“Payag ako, just charge with the correct indictment. ‘Wag ‘yung basta basta lang kayo magsabi na ‘crime against humanity.’ Kailangan pa naging humanity itong p— inang mga drugs na ito,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Sinabi pa ng Pangulo na nitong nakalipas na mga buwan ay hindi siya nag- commit ng murder o hiniling sa kahit na kaninuman na pumatay.

 

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang nga magulang na mas pakialaman ang buhay ng kanilang nga anak para iligtas ang mga ito mula sa drug addiction.

 

“Parents should have also a shared responsibility. Dapat kayo rin ang masisi nito kung… pinabayaan ninyo. Check on your children. Always supervise, check kasi diyan ninyo mapangalagaan ang kapakanan ng anak ninyo,” ayon sa Pangulo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ilang UV Expess balik kalsada

    Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon.   Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.   […]

  • Dahil ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal: ANGELICA, palagi na lang napapaiyak sa natatanggap kay JUDY ANN

    ASTIG ang dating ng bagong tattoo ni Nadine Lustre.     Isang malaki-laki rin na dragon ang pina-tattoo niya sa kanyang back right shoulder and upper arm.     Tingin namin, ito na ang pinaka-malaking tattoo na ipinagawa ni Nadine sa kanyang balat. At umaani naman ito ng mga fire emojis at papuri mula sa […]

  • “No walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites – Usec. Malaya

    NAGKAISA ang mga Alkalde ng Kalakhang Maynila na magpatupad ng “no walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites habang nasa ilalim ang rehiyon sa two-week lockdown para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang Delta variant.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Interior Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang pinakahuling polisiya ay napagkasunduan ng […]