• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, kinastigo si Gordon nang tawagin siyang “cheap politician”

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Richard Gordon matapos siyang tawagin nitong “cheap politician” sa gitna ng patuloy na pagdepensa ng Chief Executive sa emergency purchases na may kinalaman sa COVID-19 pandemic.

 

Sa kanyang Talk to the People, inulit ng Pangulo ang kanyang akusasyon laban kay Gordon na ginagamit ang Philippine Red Cross (PRC) bilang kanyang “milking cow” habang nagseserbisyo sa pamahalaan.

 

Si Gordon ay chairperson ng premier humanitarian organization sa bansa.

 

“Sabihin mo ‘cheap.’ Well, ako naman sinasabi ko you are a person who milked the government and the Red Cross both, because you sign for the Red Cross, you sign for the government,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang mukha ni Gordon ay nakadikit sa lahat ng ambulansiya ng PRC.

 

“Actually it’s a cheap political gimmick,” ani Pangulong Duterte.

 

“And I’m wondering why ako na ngayon ang naging cheap politician na itong isang bright boy sa Olongapo, iyong mukha niya, iyong mga ambulansya niya, nandiyan ‘yung mukha niya. Hindi naman siya pangit. Medyo tisoy nga,” dagdag na pahayag nito.

 

Kamakailan, tinawagan ng pansin ni Gordon si Pangulong Duterte para sa pagtatnggol nito sa mga indibiduwal na sangkot sa di umano’y overpriced medical supplies na binili ng pamahalaan noong nakaraang taon.

 

Ang kontrobersiyang ito ay tinitingnan na ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon.

 

Inilarawan din ng senador si Pangulong Dutrete bilang “bully”.

 

“Bakit kita takutin? Totoo ba hinahamon mo ako ng suntukan? Susmaryosep. Hindi ka nga siguro makaikot ng one round. You are getting to be preposterous,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • TRASLACION, PINAL NA WALA NA MUNA

    PINAL na na wala munang magaganap na tradisyunal na Traslacion at sa halip ay  isang “Walk of Faih” o Lakad ng Pananampalataya para sa pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Lungsod ng Maynila sa Enero 2023     Sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna na napagkasunduan na sa ginanap na pulong ng Manila Local Government […]

  • 4 Olympic medalists, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Senado

    Ginawaran ng kauna-unahang Philippine Senate Medal of Excellence ang apat na Filipino medalist sa nakaraang Tokyo Olympics sa bansang Japan.     Ito na ang pinakamataas na parangal mula sa mataas na kapulungan ng Kongreso.     Dumalo sa awarding si weightlifter at Olympics goldmedalist Hidilyn Diaz, boxer silver medalist Carlo Paalam, silver medalist Nesthy […]

  • BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN

    PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.     Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila […]