• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kinukunsidera ang pagtakbo sa pagka-senador sa 2022 elections

KINUMPIRMA ng Malakanyang na kinukunsidera ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.

 

Nauna na kasing nabanggit ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na kinukunsidera ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador para patuloy siyang (Pangulo) na makapagtrabaho para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

 

“As far as I know, wala pa pong final na desisyon but as Sen. Bong Go said, he is considering it,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“He is considering; pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong ba sa bayan…he might. Kino-consider n’ya po ‘yung pagtakbo,” ayon naman kay Go sa isang panayam.

 

Tinitingnan aniya ng Pangulo ang bilang at tinitimbang ang mga dahilan bago pa siya tuluyang magdesisyon kung tatakbo nga ba o hindi sa pagka-senador.

 

“Siyempre tinitingnan din niya ‘yung slate ng administration ng PDP-Laban. Kung makakatulong siya na mas maraming mananalo sa part ng administration, iyon ang kino-consider,” ani Go.

 

Napaulat na hinikayat ng ruling party PDP-Laban Cusi wing si Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-senador matapos na umatras na tumakbo bilang bise-presidente sa dahilang nais na niyang magpahinga sa politika.

 

Sa kabilang dako, kinumpirma naman ni Go na nakatakdang magpulong ang PDP-Laban officials bago ang Nobyembre 15 para isapinal ang kanilang mga kandidato para sa eleksyon sa susunod na taon.

 

Giit naman ni Go na hindi na magbabago ang kanyang isip na tumakbo bilang bise-presidente.

 

Samantala, tiniyak naman ni Go na patuloy na magta-trabaho si Pangulong Duterte para i-promote at protektahan ang kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

 

“Sa mga kababayan natin, asahan n’yo po na kung sakaling magdesisyon po ang ating Pangulo na tumakbo bilang senador, asahan n’yo po uunahin niya siyempre kung papaano siya makakatulong at makapagpatuloy na makapagserbisyo sa ating mga kababayan at paano niya maisusulong at ipagpatuloy ‘yung mga programang naumpisahan na po niya na hindi pa po natatapos… gusto niya pong tapusin,” ayon kay Go.

 

“Importante po sa kanya ngayon is malampasan muna natin itong pandemya, itong krisis na ating kinakaharap, at makakatawid na po tayo sa ating normal na pamumuhay,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon

    IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.     Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.     Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga […]

  • EMILY BLUNT WILL NOT SUFFER IN SILENCE IN “A QUIET PLACE PART II”

    EMILY Blunt, who garnered a Screen Actors Guild Award among other accolades for her searing performance as Evelyn Abbott in 2018’s A Quiet Place, now returns for the eagerly anticipated sequel, A Quiet Place Part II (in Philippine cinemas November 10). [Watch the film’s Final Trailer at https://youtu.be/gBvwZOp-AAw]     Although Blunt was admittedly skeptical about a sequel, she […]

  • TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

    GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.     YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg     About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover […]