• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, kumpiyansa na maipapanalo ng ASEAN ang laban nito sa Covid- 19

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na maipapanalo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang laban nito sa Covid-19 sa kabila ng mga hamon na kinahaharap nito.

 

Sa 54th founding anniversary na ginunita ng ASEAN, sinabi ng Pangulo na hindi na estranghero sa mga ASEAN member states ang hirap ng panahon at pagkakataon dahil mahigpit ang kanilang pagkakaisa.

 

“Notwithstanding the difficulties we face as the Covid-19 pandemic enters its second year, I am confident that ASEAN will prevail as it has done so many times in the past,” ayon sa Pangulo.

 

Wala aniya siyang pagdududa na malalampasan ng mga ASEAN member states ang problema na kinahaharap nito ngayon.

 

“ASEAN will continue to rise to present challenges and lead the region with renewed sense of purpose and an even firmer commitment to the ideals of peace, freedom, and prosperity,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Binigyang diin nito ang kahalagahan ng “working hand in hand” upang makamit ang kanilang iisang layunin.

 

“As we celebrate our collective achievements and reflect on how far we have come as one community, may we always remember and value how much stronger we are together than on our own,” ani Pangulong Duterte.

 

Kinilala naman ng Punong Ehekutibo ang ASEAN bilang Southeast Asia’s “preeminent regional organization” at “one of the world’s most successful institutions.”

 

“The creation of ASEAN in 1967, in a period of great power rivalry and tensions, was indeed a bold, visionary step towards enduring peace and shared prosperity for the region,” anito.

 

Aniya pa, malayo na ang tinahak ng ASEAN simula nang likhain ito noong 1967.

 

“With more than five decades of community building, ASEAN has gone from strength to strength as the friendship and cooperation among its members deepened,” ayon sa Chief Executive.

 

Inilarawan naman niya ang ASEAN bilang isang “indispensable institution” parasa “promotion and preservation” ng kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific region.

 

Tinukoy nito ang “considerable market and dynamic workforce, ang ASEAN ay isa ring “important economic hub” na nag-aambag sa global growth at development.

 

Samantala, kinabibilangan ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at ng Pilipinas, ang ASEAN ay itinatag noong Agosto 8, 1967 na may Bangkok Declaration na tinintahan.

 

Ito’y tumutukoy bilang ASEAN Declaration sa pamamagitan ng limang founding members gaya ng Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Pag-amin ni Duterte sa pananagutan sa mga pagpatay sa war on drugs, maaaring mag-trigger ng local, int’l prosecution – Abante

    NAGBABALA si Manila Representative Bienvenido Abante na ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa kanyang brutal na war on drugs ay maaaring maging daan para sa lokal at internasyonal na pag-uusig.     Ginawa ni Duterte ang pahayag sa ginanap na pagdinig sa Senado at […]

  • Magkakapatid, pinagtulungan ang isang lalaki, patay

    PATAY ang isang 25-anyos na lalaki nang pagtulungan ng magkakapatid matapos  napikon na pinaparatangan na nagkakanlong ng tao sa kanilang bahay sa Tondo, Manila Lunes ng hapon. Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Raymond Castillo y Galang, may live-in parner ng Bldg 26, Temporary Housing, Aroma Compound, Brgy 105, Tondo, […]

  • PDu30, naglaan ng P3.5 bilyon para sa national ID

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng  20 milyong mamamayang Filipino  sa national ID system sa susunod na taon.   P3.52-billion additional budget ang inilaan para sa  2021 para irehistro  mahigit 20 milyong indibidwal maliban sa 50 milyong target sa  Philippine Identification System (PhilSys).   Ayon […]