• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año.

Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10.

“Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang pagtusok sa ilong pero batid po ng Pangulo na kinakailangan po na pangalagaan ang kanyang buhay,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Bukod dito. required aniya sa mga papasok ng Davao City batay na rin sa kautusan ni Davao City Mayor Sara Duterte na magpapa-swab test.

“So, the President is fine,” ani Sec. Roque.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec. Roque na naka-self isolation siya ng limang araw at magpapa-PCR test.

Iyon ay dahil nakasabay nya kasi sa eroplano si Año.

At kahit kasama at kasabay nila ang Pangulo sa eroplano ay wala naman itong closed contact sa alinman sa kanila lalo na kay Año.

Siniguro rin ni Sec. Roque na nakasuot sila ng face mask at face shield.

” Naka-perpetual isolation po si Pangulong Duterte. 6 feet away po kami kay Presidente. Regular po ang kanyang PCR test,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Nauna ritos habang nasa kasagsagan ng pag-aaral ang IATF at National Task Force Against COVID-19  para madesisyunan kung papalawigin pa o luluwagan na ang umiiral na quarantine protocol sa Metro Manila ay iniulat na maging ang  Department of the Interiors and Local Government Secretary   na siyang co-chairman nito ay positibo sa coronavirus.

Kinumpirma mismo ni Año na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.

Sabado ng gabi, Agosto 15, nang matanggap aniya niya ang resulta na positibo siya muli sa nakahahawang sakit.

Sa statement na inilabas ng kalihim, noong Agosto 13 nakaramdam siya ng flu-like symptoms gaya ng sore throat at pananakit ng katawan kaya agad siyang ng self-quarantine at nagpa – swab test noong Biyernes

Mahigpit na tinututukan ngayon ng mga doktor ang kalihim habang habang naka-isolate ito.

Ayon sa kalihim,  ginawa niya ang pahayag  para ipaalam sa lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim din sa self-quarantine, bantayan kung makararanas ng sintomas at sundin ang DOH guidelines.

“I also make this announcement to emphasize the severity of the virus, and to encourage everyone to wear a mask, wash their hands frequently, and practice social distancing. By adhering to these guidelines, we can all help keep our loved ones and our community safe,” paalala ng kalihim.

Matatandaang Marso 31, 2020 nang unang tinamaan ng COVID-19 ang kalihim at nagnegtibo noong Abril.

Naniniwala ang kalihim na posibleng na- expose siya muli kaya tinamaan siya ng Covid-19 virus.

Inihayag ng kalihim wala naman siyang nararanasang sintomas kaya tuloy-tuloy lamang ang kaniyang trabaho.

Aniya, sa pamamagitan ng video conference lamang siya dumadalo sa mga pagpupulong.(Daris Jose)

Other News
  • Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU

    NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.” “There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences […]

  • Ads May 30, 2023

  • ‘Tag-init, posibleng pumasok na sa susunod na linggo’

    PINAGHAHANDA ng mga ahensya ng gobyerno ang publiko sa pagsisimula ng panahon ng tag-init sa ating bansa.     Paalala ng Department of Health (DoH), may mga sakit na karaniwang nararanasan sa ganitong panahon, kasabay ng madaling pagkapanis ng mga pagkain, kaya nagkakaroon ng mga kaso ng food poisoning.     Sa pagtaya ng mga […]