PDu30, magpapaturok ng Covid-19 vaccine pero hindi isasapubliko-Sec. Roque
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malakanyang na magpapaturok ng COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Roa Duterte subalit hindi ito ipakikita sa publiko.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang desisyon na ito ng Pangulo ay matapos na ihayag nito sa publiko na ang mga frontliners at vulnerable sectors ang makakakuha ng unang bakuna habang siya ay magpapahuli na lamang.
“His answer was, ‘No problem. I will take the vaccine as soon as it is available’ dahil siya nga raw po ay talagang kailangan niyang magkaroon ng bakuna,” ayon kay Sec. Roque sabay sabing “Pero ang sabi niya hindi na kinakailangan ipakita ito sa publiko.”
Ayon kay Sec. Roque, si Pangulong Duterte, 75, ay susundan at ginawang ehemplo si Queen Elizabeth II ng Britanya kung saan ang pagpapabakuna ay inanunsyo matapos na siya at ang kanyang asawa na si Prince Philip ay nakatanggap na ng kanilang first shots.
Samantala, sina US President-elect Joe Biden, Indonesian President Joko Widodo, at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu, ay ilan sa mga world leaders na isinapubliko ang pagpapabakuna.
Matatandaang sinabi ng Chief Executive na magpabakuna at ipakita ito sa publiko at boluntaryong makakuha ng first shot ng bakuna.
Makailang ulit din ang Pangulo na nagpahayag ng kumpiyansa sa bakunang dinevelop ng China at Russia.
Inaasahan naman ng Pilipinas na matatanggap nito ang first delivery ng bakuna mula sa China’s Sinovac at Pfizer, sa susunod na buwan. (Daris Jose)
-
Workers tablado sa dagdag sahod ngayong Labor Day
WALANG naganap na anunsyo ng dagdag-sweldo sa mga manggagawa ngayong Mayo 1, Labor Day habang pinag-aaralan pa ang mga petisyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). “Sa May 1, walang lalabas na adjustment [sa sahod] agad kasi dumaraan pa sa proseso,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma. Mayroong walong […]
-
TINANGGAP ni Dr. Spica Acoba
TINANGGAP ni Dr. Spica Acoba, Navotas City Hospital (NCH) Medical Director, at Dr. Roan Salafranca, Chief of Clinics, ang parangal sa seremonya ng 2023 Department of Health (DOH) Hospital Star Awards na ginanap sa Iloilo City kung saan kinilala ng DOH, sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang NCH bilang isa sa […]
-
Hirit ng netizen, ‘anak’ na lang ang hinihintay nila: MATTEO, super sweet talaga sa heartfelt birthday message kay SARAH
WINNER at super sweet talaga si Matteo Guidicelli lalo na pagdating sa asawa niya na si Sarah Geronimo-Guidicelli. Pinusuan at talaga naman kinakiligan ng mga netizens at celebrity friends ang kanyang pinost na heartfelt birthday message kalakip ng sweet photo nila ni Sarah. Caption ng actor/singer/host, “Happy birthday my love! “I hope […]