• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21

INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights.

 

Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng 76th Session of the United Nations General Assembly (UNGA) bukas, Setyembe 21.

 

Nakatakda itong magsalita sa international community, araw ng Martes, Setyembre 21, sa loob ng “1600H-1800H window,” New York time, o sa pagitan ng alas- 4 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga, Setyembre 22, Manila time.

 

Ayon sa Malakanyang, isusulong ni Pangulong Duterte ang interest ng Pilipinas sa mga isyu na may kinalaman sa access sa COVID-19 vaccines na itinaguyod niya simula nang sumipa ang pandemiya.

 

“President Duterte will advance Philippine positions on global issues of key concern, such as universal access to COVID-19 vaccines, climate change, human rights, including the situation of migrant workers and refugees, and international and regional security developments,” ayon sa Malakanyang.

 

Ang United Nations General Assembly ay ang pangunahing deliberating organ ng UN kung saan ang lahat ng 193 Member States ay may kinatawan.

 

Ang tema ng sesyon ngayong taon ay “Building resilience through hope – to recover from COVID-19, rebuild sustainably, respond to the needs of the planet, respect the rights of people, and revitalize the United Nations.”

 

Ang High-Level General Debate ay pamumunuan ni Abdulla Shahid, Minister of Foreign Affairs ng Maldives, at incoming President ng 76th UNGA.

 

“This year’s session will follow a hybrid format of in-person and virtual attendance of delegates, in view of the evolving situation due to the COVID-19 pandemic,” ayon sa kalatas ng Malakanyang.

 

Samantala, matatandaang pinuri si Pangulong Duterte sa kanyang “first address” sa UN noong nakaraang taon. TInalakay ng Pangulo ang arbitral win ng Pilipinas sa West Philippine Sea at pagtanggi sa tangka paghinain ang nasabing award. (Daris Jose)

Other News
  • 4th leg PH Dragon Boat Federation Regatta: Philippine Army Dragon Warriors kampeon!

    Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo.   Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, […]

  • Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA

    BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia.     Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host.     “I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia.     Sa interview ni […]

  • Followers ni BEA, nagri-request ng isang episode kasama si DOMINIC sa kanyang YouTube channel

    PAGDATING nina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa bakasyon sa America, expected na kapag humarap sila sa press, ang tungkol sa relasyon na nila ang uuriratin.     Mula sa mahigpit na yakap ni Bea kay Dominic na lumabas sa social media, ang kasunod naman ay ang post na hinahalikan ni Dominic si Bea. […]