• May 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, malabong ma-impeach -Sec. Roque

MALABONG ma-impeach si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at mapatalsik sa kanyang posisyon dahil lamang sa kanyang polisiya sa West Philippine Sea (WPS).

 

Pinalagan ni Presidential Spokesman Harry Roque ang alegasyon ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na ang Pangulo ay nakagawa ng “betrayal of public trust and national interest” dahil sa kanyang posisyon sa maritime conflict.

 

Para kay Sec. Roque, nagpapapansin lang si Carpio.

 

Nauna rito, sinabi kasi ni Carpio na ang aksyon ni Pangulong Duterte sa WPS ay maikukunsiderang isang impeachable offense.

 

“Alam ninyo ang taong bago sa pulitika sasabihin ang lahat para mapansin and this is yet another instance of Justice Carpio saying things just for the attention,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“Bakit betrayal of public trust? Mayroon nawala bang teritoryo sa administrasyon ni Pangulo Duterte? Wala. May binigay ba siyang teritoryo sa Tsina? Wala,” aniya pa rin.

 

Iginiit pa ni Sec. Roque na ang polisiya ng Pangulo sa pagsusulong sa iba pang aspeto ng kooperasyon sa China gaya ng trade and investments na naging dahilan para mabinbin ang resolusyon ng territorial conflict ay hindi impeachable offense.

 

“Ang totoo niyan it is not just because it is a numbers game, It is because it is utterly bereft of merit because the President is the sole architect, primary architect of foreign policy,” anito.

 

Kung naniniwala si Carpio na nilabag ng Pangulo ang batas sa kanyang naging posisyon sa West Philippine Sea stance, sinabi ni Sec. Roque na maaaring dalhin ni Carpio ang kasong ito sa Korte Suprema.

 

Ang impeachment laban sa Pangulo ay “not only the remedy,” lalo pa’t ang kahit na sinumang ordinaryong mamamayan ay maaaring maghain ng reklamo sa Korte Suprema.

 

“File the suit pursuant to your standing as a citizen,” ang sinabi ni Sec. Roque kay Carpio. (Daris Jose)

Other News
  • Arrest warrant vs Quiboloy, pirmado na ng House

    NAKATAKDA  nang isilbi ngayong linggo ang warrant of arrest laban sa kontro­bersiyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy. Ito’y matapos na malagdaan ng House Executives sa pangunguna ni House Committee on Legislative Franchise Chairman at Parañaque City Rep. Gus Tambunting ang warrant of arrest. Una rito, pinatawan ng contempt ng komite […]

  • LRT-2 may libreng sakay sa ‘Rizal Day’ tuwing rush hour

    MAY HANDOG na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.     “May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 […]

  • Posibilidad na ma-extend ng 4 na buwan si Gen. Marbil bilang hepe ng PNP, pinag-aaralang mabuti ni PBBM

    PINAG-AARALANG mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang posibilidad na ma-extend ng apat na buwan ang panunungkulan ni Gen. Rommel Francisco Marbil bilang chief ng Philippine National Police (PNP).     Sa isang ambush interview kay Pangulong Marcos sa isang ambush interview matapos dumalo sa paglulunsad ng TESLA Center Philippines sa Tesla Center, Uptown Parade, Uptown […]