PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.
Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo sa National Immunization Technical Advisory Group o NITAG.
Aniya, sa kaso nila ay mayroon naman talaga silang exposure lalot nag- iikot- ikot sila ngayong umaarangkada na ang inoculation sa ibat- ibang mga lugar.
Sinabi pa ni CabSec Nograles na dito aniiya nag- aalala ang Presidente kaya’t nag- usisa na ito kung may naka- schedule na bang bakuna sa mga miyembro ng gabinete.
“Work in progress” na ayon kay CabSec Nograles ang usapin na ang desisyon ay nasa hurisdiksiyon ng NITAG. (Daris Jose)
-
Malabon, may bagong ‘Lab for All’ medical van
ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang blessing at ceremonial turnover ng bagong ‘Lab for All’ medical van, sa pangakong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Malabueño, Ang pagpapasinaya ng Lab for All medical van ay pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama sina William Vincent “Vinny” Marcos, anak ng Unang […]
-
Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier
Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament. Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals. Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament […]
-
LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses
NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war. Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities […]