PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa gobyerno ng Haiti
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin nang malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa.
“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte extends his sincere condolences to the government and to the people of Haiti for the tragedy and devastation caused by the strong earthquake that struck Haiti,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Wala namang Filipino ang naapektuhan ng lindol sa Haiti batay sa ulat ng Department of Foreign Affars (DFA).
Ang sentro ng lindol ay hindi sa Port-au-Prince, kapitolyo ng Haiti kundi sa lugar kung saan naroon ang marami sa mga Filipino.
Sa ulat, umakyat na sa 1,297 ang bilang ng nasawi kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.
Naitala ang lindol sa layong 160 kilometers sa kanlurang bahagi ng capital na Port-au-Prince.
Tinataya namang aabot sa 13,600 na gusali ang napinsala kung saan higit 5,700 na katao ang nasaktan mula sa trahedya.
Nagpaabot na ng tulong ang Cuba, Ecuador, Chile, Argentina, Peru, Venezuela at United Nations.
-
Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda
LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel. Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]
-
Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga. Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful […]
-
LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics
Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito. Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics. Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng […]