PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System.
Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang.
Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito.
Kasabay naman ng Punong Ehekutibo na nagparehistro sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.
Agosto 2020 nang lagdaan ni Pangulong Duterte upang maging isang ganap na batas ang Philippine Identification System Act.
Sa isang simpleng seremonya sa Malacañang ginawa ang paglagda sa batas na sinaksihan ng mga opisyal ng Senado at Kamara.
Ipinaliwanag ng Pangulo na layunin ng nasabing batas na magkaroon ng single national identification system para sa mas maayos na transakyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.
Tiniyak din ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang privacy ng mga Pinoy hindi tulad ng National ID Bill na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.
May inisyal na P2 Billion na pondo ang Philippine Identification System Act na nakapaloob sa 2018 national budget.
Naunang tinutulan ng mga militanteng grupo ang pagsasabatas sa national I.D dahil sa pangambang gagamitin ito ng pamahalaan laban sa mga kritikal sa kasalukuyang administrasyon . (Daris Jose)
-
PBBM, sinaksihan ang Balikatan 2023 Live-Fire Sea Drills sa Zambales
PERSONAL na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Marcos ang live-fire sea drills ng Pilipinas at armed forces ng Estados Unidos sa Zambales bilang bahagi ng kanilang Balikatan Exercise. Habang isinasagawa ang drills na may 2.8 kilometers mula sa Naval Education Training Doctrine Command (NETDC) sa San Antonio, Zambales, nagpartisipa ang U.S. at Philippine […]
-
DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls
MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center. Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa. Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]
-
Nakumpletong flagship infra projects, pumalo na sa 15 mula sa 119 —DPWH
TUMAAS na sa 15, “as of June” ngayong taon ang bilang ng mga infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng “Build, Build, Build” initiative ng nagdaang administrasyon. Sa isinagawang House Organizational Meeting of the Committee on Flagship Programs and Projects, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Senior Undersecretary Emil Sadain […]