• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur

NAGSAGAWA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng aerial inspection  sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Auring sa Tandag, Surigao del Sur.

 

“Weather-permitting, the President intends to visit para mabilis din iyong aksyon kapag may nakita siya na mga gaps or kailangan pang gawin over and above what is already being done by government,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

“Based on the briefing and the reports and his visual observation on the ground ay magbibigay naman po ng mga direktiba si Pangulo. Abangan na lang po natin,” dagdag na pahayag ni CabSec Nograles.

 

Base sa situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council “as of Tuesday afternoon”, naapekthan ni bagyong Auring ang mahigit 121,000 indibiduwal sa Region 10, 11 at Caraga.

 

Sa nasabing bilang, 77,811 katao ang dinala sa evacuation centers.

 

Nag-iwan naman ng limang flooding incidents at anim na landslides ang bagyong Auring sa Regions 5,7, 8 at 11.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 9, 2023

  • Matt Reeves’ ‘The Batman’ Has Finished Scoring, Reveals Composer Michael Giacchino

    AWARD-WINNING American musician and composer Michael Giacchino revealed via Twitter that the upcoming DC film The Batman finished scoring on October 22nd.     Giacchino spoke enthusiastically about the process, saying the orchestra “killed it.” The film, directed by Matt Reeves and starring Robert Pattinson as Batman, is slated to be released on March 4th, 2022.     Giacchino previously shared a sneak peek at […]

  • Nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng ‘MUP 2021’: KISSES, kinabog sina MAUREEN at iba pang beteranang kontesera

    KINABOG ni Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin sina Maureen Wroblewitz at iba pang kontesera dahil siya ang nanguna sa Top 15 Headshot Challenge ng Miss Universe Philippines 2021, kaya ganun na lang ang pasasalamat niya sa mga bumoto at sumuporta.     Pumangalawa sa kanya si Rousanne Marie Bernos at pangatlo naman si Maureen. Ang iba […]